Chapter 26 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- Nagulat si Jasmine nang bigla siyang sabihan ni Lucas na kailangan nito bumalik sa manila.Napahawak siya sa bakal kung saan siya nakasandal. "Huh?" mahina niyang tugon, parang hindi agad makapaniwala sa biglaan nitong paalam. "Don’t worry, babalik din ako kaagad as soon na matapos ko ang sadya ko. I promise," anas ng lalaki bago marahang idampi ang mga labi sa kanya. Napapikit na lamang siya, at imbes na magsalita ay mahigpit niyang niyakap ang binata, wari’y ayaw nang bitiwan. Nasa veranda sila, at malamig pa ang simoy ng pang umagang hangin. Mag-a-alas syete pa lang kasi. Kagabi, matapos ang mahabang tawag ni Lucas sa telepono, ramdam ni Jasmine ang bigat ng katahimikan nito. Wala itong sinabi, ngunit dama n

