Chapter 47 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- "Anak!" “Nay, saan po ba kayo galing? Basang-basa po kayo!” nag-aalalang tanong ni Jasmine sa ina habang iniaabot dito ang tuyong tuwalya. “Ah… sa bahay. Nag-aalala kasi ako sa mga gamit natin, kaya sumaglit ako doon,” pagsisinungaling ni Pacita sa anak. “Hay naku naman, Inay. Malakas ang bagyo, kaya huwag na po kayong bumalik doon. Dito na lang muna kayo sa evacuation center at may mga naglilibot namang taga-barangay sa paligid. Unahin po muna natin ang kaligtasan natin dito,” payo ni Jasmine. Hindi na umimik pa si Aling Pacita. Tahimik niyang tinanggap ang mainit na lugaw na inabot sa kanya ni Jolie. Habang abala si Jasmine sa pagpapakain kay Dahlia, hindi niya namalayang huminto ang isang itim na SUV sa t

