Chapter 32 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- Napabitaw sa hawak niyang tabo mula sa pag-iigib ng tubig sa balon si Jolie nang makita ang pagbaba ni Jasmine mula sa inarkila nitong tricycle.Nanlaki ang mga mata nito sa gulat at napatitig sa kapatid. “Ate? Ate, ikaw nga ba ‘yan?” halos matisod si Jolie nang patakbong salubungin ang kapatid.Binitawan naman ni Jasmine ang hawak niyang mga dala at agad na nagyakap ang dalawa, kapwa luhaan nang sila’y kumalas sa isa’t isa.Hinalikan niya sa noo ang dalagitang kapatid saka pinunasan ang mga luha nito. “Ako nga ito Jolie… si Inay?” tanong ni Jasmine. “Nasa loob, Ate! Nay!” masayang sigaw ni Jolie. Maya-maya pa ay dumungaw si Aling Pacita mula sa kanilang kusina. Nanlaki ang mga mata nito nang makita si Jasmine

