Chapter 19 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Jasmine’s POV- "S-sino ka?" Nagulat ako nang makita ang isang matangkad at maputing babae sa aking harapan. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago niya ako tinitigan nang tuwid sa aking mga mata. Tumikwas ang isang kilay nito saka siya humalukipkip na parang hindi nito nagustuhan ang tanong ko. “Are you the maid?” malditang sabi nito sa akin.Tinaasan niya pa ako ng isa pang kilay kaya pinili kong huwag mainis sa naging asal nito.Hindi ko alam bakit bigla- bigla na lang may sumusulpot sa Isla na ito at nagugulat na lamang ako. Tumikhim ako para alisin ang bara sa aking lalamunan. Hindi ko pa nakikita ang babaeng ito at nagtataka ako kung paano siya nakarating dito sa isla. Iwinagayway niya ang kamay sa harap ko, d

