Chapter 15 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- Isla Del Cielo... Pangalawang araw nang wala si Lucas sa Isla. Lalong hindi mapakali si Jasmine sa pag-iisip na baka nalunod ang lalaki, dahil minsan na rin itong nagtangkang magpakamatay noon at siya mismo ang sumagip dito. Sa isiping iyon ay lalo siyang kinabahan. Hinawakan niya ang de-keypad niyang cellphone. Gusto na niyang iparating sa mga magulang nito na nawawala ang lalaki, ngunit sa pag-aalalang madamay siya, nagdalawang-isip siya lalo na’t pumayag siyang huwag sabihin sa mga ito na may kasama niya ang lalaki.Iniisip niyang baka umalis lang ito, pero hindi niya ito nakitang umalis kaya nga heto't kabang-kaba siya. Hapon na ngunit naroon pa rin siya sa pampang. Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan

