When She meets the Heir

1354 Words
Chapter 1 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- "Jasmine!!" Napabitaw sa sanga ng bayabas at bumagsak sa lupa ang dalagitang si Jasmine nang marinig ang tawag ng kanyang inang si Pacita mula sa hindi kalayuan.Agad na tumayo siya pinulot ang mga nakuhang manibalang mga bunga nito mula sa lupa at inilagay sa laylayan ng kanyang bestida. "Jasmine!" Narinig niyang tawag ulit nito na ngayon ay mas lalong lumakas ang boses. "Nay, nandiyan na po!" sagot nito habang ibinuhol sa laylayan ng kanyang mahabang palda ang maraming nakuhang bunga ng bayabas mula sa bakuran ng mga Cordova. "Saan ka ba galing, ha? Kanina pa ako tawag nang tawag sa'yo!" agad na sermon nito ng makita siya na bigla na lang sumulpot sa halamanan at ginulat sana ang ina na may kargang timba na puno ng basahan. "Eh, Nanay, namitas lang po," mahinang sagot ni Jasmine takot na baka mapalo na naman siya ng kanyang ina. "Naku, kang bata ka, ilang beses ko bang sabihin sayo na hindi sa atin 'yan. Dapat nagpapaalam ka muna sa akin bago ka kumuha ng bunga ng maipaalam ko sa may-ari. Masamang kumuha ng hindi nagpapaalam Jasmine," agad na sermon nito sa anak. Napakamot ng ulo niya si Jasmine. "E, Nanay, wala naman pong kumakain nito. Saka tingnan n’yo naman po, Nay, nahulog lang po ang mga bunga sa lupa.Itatabi ko rin po ito para kina Jojo at Jolie dahil sigurado ako magugustuhan nila 'to." Ang tinutukoy na Jojo at Jolie ni Jasmine ay ang kanyang dalawang nakababatang kapatid na nasa siyam na taong gulang at anim na taong gulang na siyang naiiwan palagi sa kanilang munting tahanan pag pumapasok sila dito sa mansyon ng mga Cordova. "Ay naku, siya sige na. Maghugas ka na ng kamay at tulungan mo ako rito. Maya-maya lamang, parating na sila Senyora." "Sige po, Nanay," sagot ni Jasmine, sabay maliksing tumakbo papunta sa lababo. Naging abala na ang mag-ina sa mga putaheng iniluluto nila para sa pagdating ng mga Cordova. Abala rin ang buong kabahayan, at sinalubong ng mga kasambahay ang mga ito sa bungad ng hacienda. Minsan lamang sa isang taon bumisita ang pamilya Cordova sa lugar na iyon, kaya naman tuwing sila'y darating, ay talagang pinaghahandaan ito ng lahat sa mansyon, isang espesyal na tao ang angkan ng mga Cordova dahil ang hasyenda at malawak na lupain lang naman nila ang bunubuhay sa karamihan na nanirahan sa nasasakupan ng mga ito na labis nilang pinasasalamatan dahil sa kabutihang loob ng mag-asawa. Ayon sa kwento na narinig ni Jasmine, Nabili ang pribadong lupain noong bagong kasal pa lamang ang mag-asawang Cordova. Isa itong regalo mula sa mga magulang ng lalaki, hanggang sa napagdesisyunang gawin itong isang hacienda at pinuno ng mga kahayupan,palayan ,maisan at sari-saring mga bungang-kahoy. Dahil regular na manggagawa ang pamilya ni Jasmine sa hacienda, sila na rin ang matagal nang pinagkakatiwalaan ng mga Cordova sa pamamahala ng buong lugar. Kaya naman todo paghahanda sila para sa pagdating ng mga ito. Malapit nang magtanghali kaya’t inabala na nila ang sarili sa pag-aayos ng mga pagkain sa mahabang hapag-kainan na yari sa makintab na kahoy. Narinig ni Jasmine na may dumating sa labas kaya’t lalabas na sana siya, ngunit agad siyang pinigilan ng kanyang ina. "Dito ka na lang, Jasmine, at bantayan mo ang hapag, baka langawin. Espesyal na tao ang kakain niyan at hindi tayo puwedeng pumalpak," sabi nito. Kaya naman gumilid siya, kinuha ang pambugaw ng langaw, at nilapitan ang mesa upang bantayan iyon nang maigi. Napasimangot siya sa sinabi ng ina. Sa totoo lang, wala namang langaw sa buong lugar para bantayan ito. Ang gusto lang naman niya ay makita ang mga dumating na bisita at makikisalubong din. Nakanguso siyang nakatayo sa gilid ng mesa nang biglang may pumasok na matangkad na lalaki. Sa gulat niya’y hindi siya nakagalaw at natutok lamang ang kanyang tingin dito. Napakagwapo ng lalaking pumasok, maputi, makinis ang balat, makapal ang kilay, mapupula ang mga labi, at higit sa lahat, napakabango... "What are you doing?" biglang tanong ng lalaki sa kanya. Muntik na siyang mapatalon sa gulat at agad siyang napatingkayad, dahil napapikit pala siya habang inaamoy ito na nasa harapan lang niya.Namumulang nagbawi siya ng tingin sa sobrang hiya dahil sa nagawa niya sa harapan pa mismo nito.Baka isipin nito na baliw siya o hindi kaya pinapantasya ito. "Ha? Ah… eh, wala ho. Ano po bang kailangan ninyo?" nauutal na sagot niya dito. Hindi na natuloy ang usapan nila nang biglang pumasok ang mga kasambahay kasama ang kanyang ina, at ang mag-asawang Cordova. Napaka-elegante nilang tingnan. Nakasuot ng maong dress at malaking sumbrero si Mrs. Cordova, na lalong nagpatingkad sa kanyang pagiging isang tunay na donya. Samantalang nakapolo shirt naman ang kanyang asawa na nakaakbay lang sa ginang na suot naman ang mamahaling polo shirt at kumikinang nitong relos. "Madam Lucille, handa na ho ang hapag. Puwede na ho kayong kumain," sabi ni Pacita sa mag-asawa at pinaghila pa ng upuang ang ginang at si Mr.Cordova. " Thank you Pacita, come on, hon. Mukhang masasarap ang mga inihanda nilang pananghalian," yaya ni Mrs. Cordova sa asawa.Habang nakatingin ito sa gawi ng anak na si Lucas na hindi inaalis ang tingin kay Jasmine na lalong ikinahiya ng dalagita kaya imbes na sa harapan siya nakatingin ay nakayuko na lamang siya.Tumikhim ito at dala ang baso ng tubig dumaan ito sa gilid ni Jasmine.Lihim na napasinghap naman si Jasmine ng pakiramdam niya sinadya siyang banggain ng anak ng kanilang amo dahil sumagi ang braso nito sa gilid ng kanyang dibdib ng dumaan ito. Napatingin si Jasmine sa matangkad na lalaking tumabi sa donya. Ngayon sigurado siyang anak ito ng mag-asawa dahil may hawig ito sa dalawa. Naputol ang pagmamasid niya nang maramdaman ang kurot ng ina sa tagiliran, kaya napaigtad siya at napalingon. "Ang dessert, Jasmine. Kunin mo sa ref," utos ni Aling Pacita pabulong at puno ng banta ang itsura nito na nahalata yata ang biglang pananahimik ni Jasmine. Hindi yata niya ito narinig dahil sa lakas ng t***k ng kanyang puso mula nang makita ang binatang anak ng kanilang amo.Kaya kailangan pa siyang kurutin ng ina para bumalik ang diwa niya.Kaya naman dali-dali siyang tumalikod at tinungo ang dirty kitchen. Habang patakbong tinungo ni Jasmine ang kusina upang kunin ang dessert, hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. Para siyang tinamaan ng matinding init kahit malamig naman ang hangin mula sa bukás na bintana. Hindi niya pa rin makalimutan ang matatalas na mata ng lalaking iyon, ang pagkakatingin nito sa kanya na parang tagos hanggang kaluluwa. “Jasmine, bilisan mo naman diyan!" mahinang sigaw ng kanyang ina na sumilip sa may pintuan. “Po! Opo!” sagot niya habang dali-daling kinuha mula sa refrigerator ang trays ng leche flan at ube halaya. Pagbalik niya sa hapag, nagsisimula ng kumain ang buong pamilya Cordova.Hindi sinadya napatingin siya sa gawi ng lalaki at muntik ng tumalon ang puso niya ng mahuli niya ang panandaliang paglingon nito sa kanya kaya agad siyang yumuko dahil baka isipin nito masyado siyang nagpapansin rito. Para siyang nakuryente sa paraan ng pagkakatitig nito at lahat ng ito ay bago kay Jasmine sa mura niyang edad na katorse. Isa-isang inilapag ni Jasmine ang mga dessert sa mesa. Ngunit habang ginagawa ito, napansin niyang tila may mata pa ring nakasunod sa kanya. Hindi siya makatingin nang diretso, pero ramdam niya ang pagtitig nito, nakakailang ngunit nakakakilig na hindi niya maintindihan. "Salamat," sabi ng binata, nang maidulog niya ang leche flan sa harapan nito. "Ah... welcome ho," nanginginig niyang sagot bago mabilis na umatras at pumwesto sa isang sulok ng kusina, kunwari'y inaayos ang mga nahawakan niyang table napkin. "Ano'ng nangyayari sa’yo, Jasmine?" bulong niya sa sarili, habang hawak ang dibdib niyang parang lalabas sa kaba. "Hindi mo siya kilala… anak siya ng amo mo kaya hindi ka dapat nagkakaganyan." Ngunit kahit anong pilit niyang itanggi, alam niyang may kakaiba siyang naramdaman. Isang damdaming hindi niya pa kailanman naramdaman para kanino man, lalo na sa isang kagaya ng lalaking iyon.Bata pa siya at alam niyang mali ang damdaming biglang bumuhay sa kanyang dibdib ngayon. -Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD