Amoy bulaklak... At medyo makati ang suot ko at lalong lalo na bakit may parang dumidilang aso sa pisngi ko. Dahan-dahan kung binuksan ang mga mata ko at bakit malaking chandelier ang nakikita ko at ang taas ng kisame!
"Meraya?" napalingon ako sa gilid ko ng may isang lalaking nanlalaki ang mga mata na nakatingin sakin. Lahat puti ang suot nya at kahit ang ibang tao na andito sa kwarto na hindi ko alam kung anong tawag ay mga naka-puti. Sino ba sila? Ngayon ko lang sila nakita.
"Buhay ka?! Nagbalik ka na!" nagulat na lang ako ng yakapin nya ako ng mahigpit, teka... Sino ba sya? Buhay? Ako?... Huh?
At isang babae naman ang malakas na umiyak at lumapit din sakin. Nanginginig pa ang kamay nya ng hawakan ang pisngi ko at niyakap na ako. Ang ganda nya ah.
"Paano nangyari? Patay ka na," hindi ko na makilala ang mga nasa harapan ko!
"Alice, ayaw mo bang bumalik ang anak ko?!" sigaw ng babaeng kanina lang ay yakap ako. Anak? Teka, magulo talaga. Wala naman akong kilala na Nanay ko kasi ang alam ko ay nasa ampunan ako.
"Sabi na hindi mo kayang iwan si Papa," isang lalaki naman ang yumakap sakin, gwapo din sya pero anong sabi nya?! Papa ko sya?
"Mary, maghanda ka ng makakain nya... Wag mo na ulit iiwan si Mama, naiintindihan mo ba Meraya? Halos mamatay ako ng malaman kung wala ka na" niyakap nya ulit ako habang ako ay naguguluhan sa mga pinagsasabi nila. Meraya? Tinawag nya ba akong Meraya? Red ang pangalan ko.
Isang lalaki naman ang hinihingal na pumasok dito sa kwarto na to' pero may kasama din syang isa pang lalaki. "Meraya, bumalik ka. Sabi na eh di mo ko kayang iwan" naiiyak na sabi sakin nung lalaki na yakap yakap ako.
"Kolt, bitawan mo na kapatid ko. Hindi na sya makahinga" inalis naman nung unang lalaki na yumakap sakin ang mga kamay nung tinawag nyang... Kolt?
"Nagugutom ka ba?" tanong sakin nung sabi nyang Mama but I shook my head. "Hindi ka ba masaya?" tanong nya sakin.
"Ano bang tanong yan, Ma" parang sasabog na ang ulo ko dahil sa PAGKALITO KO!
"Ma-magpapahinga lang po ako," maingat na sabi ko na nagulat pa sila sakin. May mali ba akong nasabi?
"Mary, ikaw muna ang magbantay sa kanya"
"Tara, Kolt"
"Kolt, parang bata. Pinapa-alis na nya tayo di mo ba nakikita?" ang sama tuloy ng tingin nung Kolt sa kanila. Nang makalabas silang lahat ay merong dalawang MAID, tama yung MAID. Pero yung isa ay parang ayaw sakin parang may nagawa akong mali sa kanya pero lumabas din, naiwan yung Mary.
Ang lambot naman ng kama na to' dahan dahan pa akong tumayo at pumunta sa bintana. Ang ganda ng bakuran dito para pwede ng tayuan ng sampung bahay sa sobrang laki. Huh?! Ano ba tong nakikita ko?! Ang lalaki ng kurtina, may magaganda bagay. Ang ganda naman ng kwarto na to'.
"Si Bella?!" malakas kung sigaw ng maalala ang lahat. Pero paano ako nakapunta dito? "Sorry... Mary? Nagulat ba kita?" mas lalo pa ata syang nagulat ng magsalita ulit ako.
"Hindi nyo po kailangan mag-sorry, Lady Meraya"
"Meraya?" nagtatakang tanong ko.
"Po?"
"Pwede po ba akong lumabas? May hahanapin lang po ako..." natulala naman sya ngayon sa sinabi ko, kanina nagugulat tapos ngayon! Robot ba sya? Sinabihan nya muna ako na magpalit ng damit ko at sinabi ko naman na ok na ang suot ko pero nasunod pa rin ang gusto nya at pinasuot sakin ang pastel blue ng dress, abot tuhod lang yon at may mga silver na design.
Akala ko car or motorcycle ang sasakyan namin kaya medyo natakot ako ng isang karwahe ang bumungad sakin! Puting kabayo na meron kutsyero.
Mahahanap ko ba si Bella gamit yang karwahe na yan?! Ata?... At wait, saan naman pala ako pupunta? "Mary, may mall ba dito?"
"Mall?"
Huh?
"Police, meron bang police dito?" tanong ko ulit.
"Police?"
Huh? Ano bang mali?! Mababaliw na ako dito!
"Market, yung parang palengke. Ganun, meron ba?"
"Meron po," nakahinga ako ng maluwag dun ah! Akala ko ay aabutin kami ng new year. "Lady Meraya, bakit tinatanong mo kung merong market dito?" naputalan na naman ako ng hininga sa tanong nya! Hindi ko na yon sinagot at pumasok na lang sa loob ng kalesa na to'. Magbabayad pa ba kami?
"Mary, magkano bayad?... May pera ka ba jan?" mali na naman ata ang naitanong ko kaya tumatawa na sya ng malakas.
"H-hindi na po kailangan kasi kayo ang may-ari nito" natatawa pa rin na sabi nya. Buti kung kotse to' matutuwa ako eh, karwahe pero ok naman wala din naman akong nakikita kotse or motor dito. Si Mary pa lang una kung nakilala dito. At sa kanya pa lang ay nabaliw na ako, paano pa kaya yung marami kanina?!
Nakasilip lang ako sa maliit na bintana at bawat nadadaanan namin ay sadyang ang ganda tignan. Parang ang peace ng lugar na to' lahat ng bahay na nakikita ko ay magaganda, malalaki. Hanggang sa makarating kami sa maraming tao, ito na siguro yung market nila.
"May kilala ka bang Bella?" tanong ko ng makababa kami.
"Ngayon ko lang narinig ang pangalan na yan" kumunot ang noo nya at tumingin sa itaas na parang nag-iisip. "Bakit po?"
"Kaibigan ko," ngayon naman ay napanganga na sya sa sinabi ko!
"Si Kolt lang ang nag-iisang kaibigan mo, sya lang kilala ko pero baka hindi mo sya nadala sa palace" magulo ang sinasabi ko para sa kanya pero mas magulo ang mga sinasabi nya sakin!
Kung nakabalik ako, nakabalik din ba si Bella? May nagdala ba sa amin dito sa lugar na to'? Hindi ko maiwasan ang maluha tuwing naalala ko ang nangyari sa amin ni Bella, lalo na sya hindi nya talaga ako iniwan kahit nasa peligro na ang buhay namin dalawa.
"Meraya?!"
"Paano ka nabuhay?"
"Totoo nga,"
"Di ba nakuha na sa kanya ang kalahati ng charm crystal? Paano sya nabuhay?"
"Dahil sa kanya nakuha na ang kalahati ng charm crystal at ngayon malakas na ang loob ng mga Gragunia lumaban satin"
Tama ba na pumunta kami dito? Kasi imbis na si Bella ang hanapin ko, hindi eh dahil lahat ng tao ay nagkakagulo at nakatingin sa akin kaya hindi ako maka-alis! Para akong artista dito, sa totoo lang.
Kaya hinawakan ko ang kamay ni Mary at tumakbo kami palayo sa maraming tao. Hindi ko nga lang alam ang daan kaya kung saan-saan kami nakasuot ni Mary.
"Pano tayo makaka-uwi?" nagtatakang tanong ko. Dapat talaga hindi na kami pumunta dito.
"Lakad?... Kung hinahanap nyo si Bella, ipagawa nyo na lang yon sa mga kawal" nanguna na syang maglakad kaya para akpng buntot na nakasunod sa kanya. Nagpagod lang kami dito.
"Mary, sino si Kelaya?" tanong ko habang naglalakad kami kaya bigla na lang syang napatigil. Yun kasi ang tawag sakin nung babaeng pumatay sa amin ni Bella.
"May kakaiba sayo, Lady Meraya... Si Kelaya ang nawawala mong... Kakambal" parang nahirapan pa syang sabihin yon sakin pero ano?! Kakambal?!... Nawawala at ang tawag sakin nung babae ay Kelaya pero ngayon ang tawag naman sakin ay Meraya. Ano ba talaga ang totoo?! Sino ba talaga ako?!
***
Naka-upo lang ako dito sa bakuran ng palace na to', katabi ang mga bulaklak at yakap yakap ang tuhod. Kakambal? Mama at Papa? Kapatid na lalaki? Palasyo? Karwahe?... Tama, yung babae na may itim na cloak na pumatay sa amin na may dalang karwaheng... Itim nga lang. Ang nakikita ko pa lang ay white at brown. Napabuntong hininga na lang ako.
I'm not Meraya...
I'm not Red...
I'm Kelaya.
Paano ko ba sasabihin sa kanila na hindi ako ang taong tinatawag nila Meraya? Paano ko sasabihin sa kanila yon ng hindi sila nasasaktan? Kasi ang taong akala nilang bumalik ay... Wala na talaga at ang taong hindi na bumalik ay si Meraya na kakambal ko...
Sunod sunod na luha ang pumapatak galing sa mga naipon na luha sa mga mata ko dahil hindi ko man lang nakasama si Meraya, hindi ko sya nakilala, hindi ko sya nakasama wala akong nagawa para sa kanya at ngayon nabubuhay ako sa katawan nya na hindi dapat mangyari! Kasi dapat kasama ko sya hanggang ngayon at wala akong karapatan na agawin ang buhay nya.
At habang tuloy tuloy pa rin bumabagsak ang mga luha ko ay isang puting aso ang lumapit sakin. Ang cute nya. Hinawakan ko sya sa ulo nya at kusa na syang umupo sa harap ko na nakalabas ang dila.
"Himala hindi kayo magka-away ni punch," halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses sa likod ko na ang pagkaka-alam ko ay si... Papa. Punch, ang cute na pangalan para sa isang aso.
"Stop crying, princess" he caress my cheeks and wipe the tears that keeps on falling from my eyes.
"Alam nyo po ba kung asan si... Kelaya?" nang itanong ko yon sa kanya ay umiwas sya sakin ng tingin. May mali na naman ba?
"Wala, walang may alam kung asan sya," napakunot na lang ako ng noo dahil parang may mali, parang iba na hindi ko masabi.
"Hindi nyo po ba sya gusto makita? Makasama?"
"Gustong gusto ko pero hindi ko alam kung saan sya hahanapin... Ako ang Ama nyo pero wala akong magawa kasi kailangan kong mamili, ang nakakarami ba o ang kaunti?" hindi ko alam ang mga ibig-sabihin nya dun pero may kulang sa sinabi nya. Pakiramdam ko may hindi pa tapos ang sinabi nya.
Mamili sa nakakarami o sa kakaunti?
"Ano pong pipiliin nyo?" hindi na nya ako sinagot at ngumiti na lang habang hinaplos ang balahibo ni punch. Ang nakakarami, yon ang pipiliin ng isang Hari. His kingdom.
Napatayo na lang ako bigla ng may maalala ako kaya pumasok ako sa loob ng palasyo at pumunta sa kwarto ko nagbaba-kasali na andun si Mary pero wala kaya nilibot ko ang buong palasyo hanggang sa marating ko ang isang kwarto ko, simple lang yon pero malinis.
Nilibot ko ang kwarto at napatigil lang sa isang maliit ng picture na nakapatong sa drawer. Isang babae na may hawak na baby, hindi to' si Mary! At ang mas lalong naagaw ng pansin ko ay ang itim na cloack na nakasabit sa gilid. Cloack?
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Sorry, po. Akala ko kwarto ni Mary," binaba ko na ang hawak ko na picture at lumabas ng kwarto nya. Sino sya?
"Meraya," tawag nya kaya lumingon ako sa kanya. "Welcome back," ang ngiti nya sakin parang naalala ko na lang yong babae na pumatay sa amin ni Bella pero parang si Bella na lang ang pinatay nung babae.
Sinara na nya ang pinto at nakaramdam na lang ako ng takot ng maalala ko na naman yon. Baka nagkamali lang ako marami kayang parehas ang mga ngiti. Naglakad na lang ako pabalik ng kwarto ko at nakasalubong ko na nga si Mary buti naman.
"Mary, ikaw ba ang servant na pumupunta sa... Mortal World?" hindi ko naman sinasabi na sya nga yon pero wala naman masama kung i-try diba?
"Hindi," napakunot lang ako sa sagot nya dahil bakit hindi man lang sya nagulat sa tanong ko at hindi 'Po? Ano? Bakit nyo natanong yan?' ang sinagot nya sakin. Diretso kaagad sya sa sagot na 'Hindi'.
***
Kinabukasan dahil mahaba ang buhok ni Meraya ay... Ginupit ko. Abot siko lang hanggang bewang kasi yon at mainit, ang tinali ko sa ponytail ang buhok ko or buhok nya?
Napansin ko din na sya lang ang mga nasa picture kahit nung bata pa sya. Akala ko ba... "Mary, meron ka bang picture ni... Kelaya?"
"Po?"
"Sabi ko kahit baby pictures ni Kelaya na kasama si Meraya" paglilinaw ko sa sinabi ko. At lumabas na sya ng kwarto ko or kwarto ni Meraya? Sorry, Meraya kasi pinapaki-alaman ko ang buhay mo, ang katawan mo ginagamit ko... Sorry.
Andito naman lagi sakin si punch, nagtataka ka din sila kung bakit hindi daw ako maingay or kaaway naman si punch dahil daw sa... Dress. Huh? Ano bang ginagawa ni punch kay Meraya? Bakit sila laging magka-away?
Siguro makulit si Meraya, bumukas na ulit ang pinto at may hawak na si Mary na isang lumang photo album. "Itinago yan sayo dahil nalayo sayo si Kelaya"
"Bakit tinago?" nagtatakang tanong ko at nang buksan ko yon ay lahat ng pictures dun ay kaming tatlo kasama ang kapatid ko na lalaki. Lux? Mabait sya, medyo hawig sya kay Mama yung mata nya.
"Hindi ba ang saya nyo jan" nakangiting turo nya sa isang picture namin na kasama naman si punch.
Akala ko anak ako ng monster or devil dahil sa kulay ng mata ko, hindi naman pala kasi nakilala ko na ang tunay kung mga magulang at normal naman sila. Hindi naman pala ako nag-iisa sa mundo na may pulang mata kahit din pala si Meraya, syempre kambal kami.
"Mary, hindi ba kami triplets? Kasi sabi mo si Kuya Lux ay 5 months lang ang paggitan namin," nagtataka talaga ako, kasi hindi kami triplets, pero bakit ganun 5 months pinanganak na kami?! May ganun ba?
"Nakalimutan mo na ba?" tumango na lang ako sa tanong nya. Lahat naman, wala akong alam tungkol sa kanilang lahat kasi ang alam nila ako si Meraya, kahit isa walang nakakakilala sakin. "Nagpapatawa ka ba, Lady Meraya?" nang hindi ako natawa sa sinabi nya ay naging seryoso na ulit mukha nya.
"Mary, may balita na ba kay Bella?" tanong ko ng maalala yon.
"Kung kaibigan nyo sya, same age lang kayo at sa isang school lang kayo pumapasok. Wala naman daw Bella sa records ng Academy" napakamot na lang ako sa batok ko ng mas lalong gumulo ang lahat. Hindi naman dito nag-aaral si Bella at syempre wala talaga silang record ni Bella dahil sa Mortal World kami nag-aaral!
"Mary... Maniniwala ka ba sa sasabihin ko? May tiwala ka naman sakin diba?"
"Opo naman, Lady Kelaya. Simula nga nung nagising kayo ay napansin ko lang na ako lang ang kinakausap mo at para bang ako lang ang nakikita mo dito sa palace," totoo ang mga sinabi nya na sya lagi ang kausap ko.
"Nakita ko na si Kelaya," hindi ako tumitingin sa mga mata nya at sa photo album lang nakatuon ang mata ko.
"Po?!" gulat na gulat talaga sya, hindi ba sya masaya?
"Hindi ka ba masaya?" nagtatakang tanong ko pero yumuko lang sya sakin at nakaramdam ako ng kirot sa puso dahil pakiramdam ko ayaw nila kay... Kelaya, ayaw nila sakin. "Sige na, labas muna ako" ngumiti ako ng tipid sa kanya at naglakad palabas ng palace.
Ayaw nila sakin, kahit si Papa ganun din ang pakiramdam ko... May nagawa ba akong masama sa kanila? Mas gusto nila na si Meraya ang kasama at wala talaga silang balak na hanapin ako, bakit pa ako bumalik? Bakit sa katawan pa ni Meraya?
Bella, asan ka ba? Sabi mo kung saan ako, dun ka din. Bakit mo ko iniwan?
Tumulo na naman ang mga luha ko habang naglalakad papunta sa isang malaking puno. Si Bella sya ang lagi kung kasama na tumatambay sa ilalim ng puno, naghahampasan sa balikat pero ngayon wala na yon dahil sa ginawa sa kanya ng babae na yon!
"Bakit hindi mo ba magawa ang gusto ko, simple lang naman. Ibigay mo sa Kuya mo ang letter na to' diba!" napalingon ako sa likod ng puno sa di kalayuan ay may dalawang babae na pinagtutulungan ang isang bata?
"Ayaw ni Kuya tanggapin" rinig kung sabi nung bata na humahawak sa tyan nya.
"Pilitin mo sya! Baka hindi mo naman talaga binibigay sa kanya!" sino ba yung babaeng yon?! Kung maka-utos grabe! Hanggang sa sumigaw ang bata at napa-upo na lang sa damuhan. Kaya iniwan na sya nung dalawang babae at agad naman akong lumapit dun sa bata.
"Ano masakit sayo?" nag-aalalang tanong ko. Obvious naman, Kelaya na tyan nya ang masakit! "San ka ba nakatira? Gusto mo sumama muna sakin," natataranta na ako dahil ang lakas ng sigaw nya hanggang isang karwahe ang tumigil at may isang lalaki na mabilis tumakbo papunta sa amin.
"Meraya, pati ba naman kapatid ko! Ano bang kasalanan nya sayo?!" isa lang masasabi ko sa kanya isang malaking HUH? Wala naman akong ginagawang masama... Diba? Masama ba na tulungan ko ang isang bata na masakit ang tyan?
At hindi pa pala sya tapos dahil isang tornado ang pumalibot sakin pero hindi yung simpleng buhawi kung hindi tubig, tubig na pinapalibutan ako hanggang sa sumisikip at unti na lang ay madadala na ako nun. Nakakahilo! Ano ba to'? Bakit may ganito?
Hindi to' normal! B-bakit? Hanggang sa maalala ko ang nangyari sakin nung umuulan, yung tubig na pumatak sa kamay ko ay naging yelo at ngayon ito naman! Ano bang mundo to'?!
Hindi ko na kaya unti na lang ay babagsak na ako dahil sa pagkahilo ko. Ano bang pumasok sa isip nung lalaking yon at ginawa nya to'?! At buti naman at tumigil na...
"Ate, Meraya sorry. Si Kuya kasi akala nya may ginawa ka sakin," nakatingin lang ako sa damuhan habang hawak ang ulo ko... Nahihilo ako at unti na lang ay masusuka na ko! "Kuya, mag-sorry ka"
Uwi na ko...
Nabunot ko pa ang d**o sa lupa ng tumayo ako at pinilit na lumakad ng maayos, natawa na lang ako ng bumagsak ako sa lupa. Nakakabaliw pala ang mahilo.
"Sakay," binuksan ko ang isang mata ko at nakita ko ang lalaki na may kagagawan nito sakin ay nag-aalok ng piggyback!
Sumakay na lang ako sa likod nya, hindi ko sya kilala pero eto ako ngayon aa likod nya, buhat buhat ako! Sya naman talaga ang may kasalanan. Ano bang ginawa nya kanina?! Ano yon?
"Kilala ba kita?" nagtatakang tanong ko. Ang cute ng giggles nya ah.
"Seriously Meraya?"
"Mukha ba akong nagbibiro huh?" natigilan na sya ng marinig ang sinabi ko. Geez, hindi nga pala nya alam ang totoo. Tahimik lang kami hanggang sa makarating na kami sa palace at andun na si Mary.
"Thank-" bakit ganito tong lalaking to'?! Pagkababa sakin ay naglakad na palayo! "Sino yon?"
"Sya po ang kaibigan ni Kolt na si Zale. Lady Meraya, sorry sa reaction ko ng sabihin nyo na nakita mo na si Kelaya... Pwede mo bang sabihin sakin kung asan sya?"
Naglakad muna ako papasok at pumunta sa kwarto ko at buti nakasunod naman sya sakin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo pero hindi naman pwedeng habang buhay akong mabubuhay as Meraya, diba?
"Patay na si Meraya... Patay na ang kakambal ko, wala na sya Mary" naramdaman ko na lang ang maiinit na luha na patuloy na bumabagsak. Pero bakit ganun ang reaction nya, parang wala syang narinig sa sinabi ko. "Mary?" hanggang sa bigla na lang sya napa-upo sa sahig, nakayuko sakin.
"Hindi nga ako nagkamali... Kelaya,"