"Ate Marie, welcome back.Long time no see.Mas lalong gumaganda ka ngayon Ate.Masayang saad ni Venus,isang kaibigan niya dito sa isla.
"Thank you Venus.Ikaw din lalong gumanda pero bansot ka pa rin."pabirong saad ni Marie pero tanging irap lang ang ginanti ni Venus sa kan'ya.
Habang abala sila sa pag-uusap at pagkakamustahan sa isat-isa.Napalingon naman sila ng may biglang tumawag kay Marie.
"Hija, anak!"saad ng Ginang mula sa di kalayuan.
"Voice familiar.Si Tita na ba 'yan Venus?"nag-aalangan na tanong ni Marie.
"Yes,si Mommy na iyan Ate.Mas mukha bata pa siya sa akin, sa kulay blonde niya na buhok."Natatawang saad ni Venus.
"Hindi nga ako nagkakamali.Pareho kaming maganda ng future mother in law ko."mahinang saad ni Marie ngunit narinig parin 'to ng mga kaibigan kaya inasar naman siya.
"Assuming ka talaga beshy."pangbabara sa kan'ya ni Bakz.
Kinurot niya naman 'to dahil papalapit na ang Ginang.
"Hi tita.Kamusta po kayo?parang hindi tayo tumatanda ahh!"nahihiyang puri ni Marie sa Ginang.
"Abah! dapat lng anak lagi tayo maganda no." saad ni Ginang Amanda..
Todo naman nguso si Marites sa likuran ni Marie.Bigla naman siya kinabahan dahil nagkaroon siya ng idea kung ano ang ibig-sabihin ni Marites,hanggang sa may sa may tumikhim sa likod niya.Tumili naman agad sina Margaret at Bakz kaya dahan-dahan niya 'to nilingon.
"Hello B-brix."namumulang bati ni Marie sa binata.
"Siya ba si bebe mo Marie?Malandi na tanong ni Bakz.
Pinanlakihan sila ng mata ni Marie dahil sa nahiya 'to. Kaya sinaway niya 'to pero sadyang walang mga preno ang mga bunganga nito.
"Shhhhhh.Manahimik nga kayo."Saway ni Marie sa mga kaibigan.
"Hello guys ako pala si Brix Tailor kaibigan ni Marie."Nakangiting pagpapakilala ni Brix sa sarili.
Yong tatlo halos hindi makaugaga sa pakikipagkamay samantala si Marites pasimple pinaringgan si Marie.
"Oouucchh kaibigan lang pala?"sabay kidat ni Marites sa kan'ya na parang nang-aasar 'to.
Alam ni Marie kahit pang-aasar lang 'yon ni Marites,nasaktan parin siya ng kunti.
"Kung hindi ko lang ito kilala binatokan ko na 'to."bulong ni Marie sa sarili.
Ngunit 'yong pagkadismaya niya ay napalitan ng saya ng marinig nito ang katagang I miss you Marie galing sa pinakamamahal niya na lalaki.
"Omg, kinilig ako ng sobra simpleng ngiti at hello galing sa kanya sapat na 'yon."Bulong ng isipan niya na parang hibang na nakangiti.
"Guys hindi pa ba kayo tapos diyan,sa bahay na kayo magkwentohan " tawag ni Venus.
"Mabuti pa nga at makapagpahinga na rin muna kayo!"Segunda naman ng Ginang.
Sobrang saya ng dalaga habang hawak kamay sila ni Brix ngunit alam naman nito sa sarili na tanging kaibigan o kapatid lang turing nito sa kanya..
"Haiisst.Tama na nga yan ang importante masaya ako ngayon bahala na ang bukas."Saway nito sa sarili habang dinadama ang maiinit na palad ng Binata na nakahawak sa maliliit niyang daliri.
Pagdating sa bahay agad sila pinaghandaan ng pagkain ni Ginang Amanda katuwang na rin si Venus.
"Kain muna kayo bago magpahinga.Medyo malayo din ang byahe niyo at sobrang init kaya alam ko pagod at gutom na kayo."Yaya ng Ginang sa kanila.
Habang kumakain sila, ring nang ring naman ang Cellphone ni Brix ngunit parang nagdadalawang isip 'to na sagutin kaya naglakas loob si Marie na magsalita..
"Brix sagutin muna ang tumatawag sa'yo at baka importante."mungkahi ni Marie sa binata.
"Sige,balik ako agad."nakangiting saad ni Brix.
Habang kumakain si Marie pa-simple itong lumilingon kay Brix.Ngunit ng makita na tumatawa ang binata sa katawagan nito bigla nalang kumirot ang kan'yang puso kahit hindi niya alam kung babae o lalaki ang katawagan nito.
Nakasimangot siya habang sumusubo ng pagkain.Ang tanging sa isip niya ay mukha ng lalaki habang masaya sa kausap nito.Napabuntonghininga 'to.
"Self calm down huwag magpahalata" saway nito sa sarili.Nagulat nalang si Marie ng may biglang sumipa sa paa niya.
"Marie,kumain kana para may lakas ka sa pakikipagtunggali."Mahinang saad ni Marites ngunit napakamot siya ng ulo kasi hindi niya ma-gets ang pinupunto ng kaibigan.
"Marie dito kana ba mag-s-stay at magtrabaho,ngayon tapos kana sa pag-aaral mo?"Tanong ng Ginang kay Marie.
"Dependi po Tita Amanda.I'm not sure poh" sagot ng dalaga sabay ngiti nito sa Ginang.
"Ngunit Hija,huwag mo kalimutan bata palang kayo napagkasunduan na, namin na kayong dalawa ni Brix ang mamahala sa negosyo ngunit sa isang kondisyon magpakasal kayo at b-bigyan niyo kami ng apo."Diretsong saad ng Ginang.
Nang marinig ng dalaga ang tinuran ng Ginang,nasamid 'to. Pero deep inside parang animo'y alon sa dagat ang kalampag ng kanyang puso sa tuwa ngunit nawala lahat ng saya nito nang marining ang tugon ni Brix sa kanyang ina.
"Ma,naman hindi kami pwedi magpakasal.Alam mo naman kaibigan lang ang turing ko kay Marie!" kinontra ng binata ang sinabi ng Ina.
"Ouucchhh."Tanging nasambit ni Marie.Pilit nitong pinipigilan ang mga luhang gusto kumawala dulot ng sakit.Kahit mga kaibigan nito hindi din alam ang magiging reaksyon nila sa sinabi ng binata.
"Bahala ka Brix. Sa ayaw at gusto mo kami ang masusunod.Padating nang takdang panahon ikakasal kayo ni Marie".Seryosong saad ng Ginang.
"It's okay Tita."maluha-luhang sabat ni Marie.
Tahimik ang lahat hanggang sa tumayo si Brix nang walang paalam.Hindi na nagsalita si Marie, dahil sa sobrang sakit nararamdaman sa mga binitawan na salita ng binata.Pagkatapos kumain agad 'to umakyat sa kwarto niya.
Pagdating sa loob ng silid niya,bumuhos ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.Umupo 'to maliit na upuan malapit sa binatana.Tumingala 'to sa langit at pinagmasdan ang bilog at maliwanag na buwan at nakinig sa mga maingay na tunog ng kuwago.
"Mabuti pa sila tahimik .Ang malas ko naman.Ang pangit na nga ng pangalan ko, Pati ang guhit ng kapalaran ko ay sobrang pangit din.Sana hindi nalang ako nabuhay." Bulong nito sa hangin.Pagkatapos mailabas ang ang sama ng loob,bumuntonghininga ito para maibsan ang lungkot niya na dulot nang pagkabigo.
Knock..knock...knock..Tatlong katok mula sa labas ng silid niya.Agad niya inayos ang sarili at nagpunas ng luha.
"S-sino iyan?"
"Ate Marie! pwedi ba tayo mag-usap?"tawag ni Venus mula sa labas ng kwarto.
"Sure!"Matipid na sagot ni Marie at lumapit na 'to sa pintuan upang pagbuksan si Venus na nag-aantay sa labas.
"Dumaan ako sa silid mo at nakita ko nakabukas pa ang ilaw mo kaya naisipan kung kausapin ka."nag-aalang tanong ni Venus.
"I'm okay.Salamat sa pag-alala.Bakit gising ka pa"Tanong ni Marie sa dalaga.
"B-bakit ikaw gising din?Balik na tanong ni Venus kay Marie.
"Nauna ako magtanong dapat ikaw unang s-sagot,"pilyang saad ni Marie kay Venus.
"Ate nag-aalala talaga ako sa'yo kaya naisipan kung puntahan ka."diretsong saad ni Venus.
"Alam mo naman siguro na may pagtingin parin ako sa kuya mo.Inaamin ko naman na super obvious ako sa feeling ko sa kuya mo."Mariin na sabi ni Marie.
"Natumbok mo din Ate,dahil hindi lang obvious. Baliw ka lang!" nakangising saad ni Venus.
"Grabe kanaman sa akin Venus,baliw talaga? Slight lang kaya."nahihiyang saad ni Marie.
"Pero ate alam mo naman boto ako sa iyo,pero sana maintindihan mo kung bakit ganyan ang kinikilos ni kuya.Ito pala ang gatas maya maubos ko pa iyan,para naman kumalma ang utak mong tuliro."
"Loka-loka ka din.Akala mo naman expert kung makapag-advice.Bakit may nagpapatibok narin ba niyan?" sabay turo ni Marie sa dib-dib ni Venus.
"Wala pa ate pero saksi ako kay kuya Nathan at kuya Brix paano nagluksa noong panahon na iniwan niyo sila"sabay irap nito.
"Si Nathan sure ka nagluksa ang mokong na 'yon?
"Oo naman ate,nagkukuwari lang iyan hindi nasasaktan pero isang baliw din iyan noong panahon umalis kayo."
"Secreto narin ito pero pareho silang denial king and queen nagkukunwari hindi magkakikila ni beshy Marites."taas kilay na saad ni Marie.
"Tumpak ate nakuha mo rin,pareho kay kuya nagkukunwari lang din iyan."
Bumalik ang lungkot sa mukha ni Marie ng marinig ang tinuran ni Venus tungkol sa kapatid nito.
"Iba Venus,kasi seryosong galit siya sa akin at narinig mo naman kaibigan lang ang turing niya sa akin ngayon.Sobrang nasasaktan ako.Sana pagising ko bukas okay na kami."sabay tumingala sa kalangitan.
"Walang impossible ate, kaya relax lang at huwag magkapa-stress masyado.Sige na goodnight at matutulog na rin ako."paalam ni Venus kay Marie.
"Goodnight too.Thank you sa gatas at time."
"Walang anuman basta kung may kailangan ka huwag kang mag -atubiling tawagin ako."
Tumango naman ang si Marie.Pagkalabas ni Venus agad 'to sumampa sa kama,nanood nang kung anong palabas,nag-scroll up and down sa account nito, at nakinig ng music.Kung ano-ano na ginawa nito pero hindi parin ito makatulog.
Kriiinngggg!! hinayaan lang nito mag-vibrate ang cellphone niya dahil akala ng dalaga ang mga kaibigan n'ya lang ang tumatawag ngunit mali ito dahil ang Mommy niya pala ang tumatawag.N
" Hello Mom! kamusta po kayo ni Daddy!"bungad ni Marie sa Ina.
"Okay lang kami Princess.Ikaw kamusta ang byahe? Nagkita na ba kayo ni Brix?"Sunod-sunod na tanong ng Ina ni Marie.
"Mom isa-isa lang po ang tanong sabay tawa nito.Tungkol sa byahe maayos naman po.Nagkita na rin kami ni Brix,nag-usap na kami busy lang kasi siya dito." Alibay nito sa Ina.
"Mabuti naman anak kung ganun.Nag-alala kami ng daddy mo baka naman kasi ano gawin ni Brix sayo, kasi alam namin nagtatampo siya sa'yo."
"Pakisabi kay Daddy super okay lang talaga ako,"habang sinasabi nito sa Ina ang pagsisinungaling niya. Palihim nitong iniipit ang hikbi niya dahil ayaw nito mag-alala ang mga magulang niya.
"Sige anak.Kung may kailangan ka tawagan mo ako agad."
"Huwag na kayo mag-isip nang kung ano kasi malakas na ang puso ko bago pa ako umuwi dito. Handa na ako sa kung ano man ang mangyari Mom."Hilaw na ngumit 'to sa ina.
"Sige anak ingat ka diyan at i-kamusta mo ako sa mga kumare ko diyan na sina fe at Amanda."
"Makakarating Mommy,ingat din kayo diyan. I love you Mom and Dad.Goodnight na po."
"Goodnight too anak and I love you too Princess."
Pagkababa ng tawag ng Ina, agad nito isiniksik ang mukha niya sa unan hanggang sa nakatulog siya.