Chapter 6

865 Words

Pagkalabas ay dumeretso na sya sa kanyang kwarto. Itinapon nya ang hawak na envelope sa kama saka lumundag ng higa dito. "Aalamin ko kung anong tinatago mo sakin" mahinang bulong nya sa sarili. Isang taon na mula ng lumapit sya sa ama upang makiusap na tulungan syang hanapin ang kapatid, pumayag naman ito pero kapalit noon ay ang pag-deliver nga ng package na hindi nya alam kung ano ang laman pero may kutob sya na illegal ang mga iyon. Dose anyos sya ng matagpuan sya ng mga ito sa gilid ng highway isang gabi na umuulan. Nagising siya na nasa ospital na sya at nagmulat na nasa tabi niya ang Mommy Amanda nya. Kinupkop siya nito ng malamang ulila na sya at ang tanging pamilya ay ang kapatid na hindi nya alam kung nasaan na dahil nagkahiwalay sila ng tumakas sila sa mga kumidnap sa kanila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD