Nicklaus POV
PAGKATAPOS ng dinner sa bahay ng mga Sta Ana ay bumalik na sya kinabukasan sa Manila dahil malapit na ang final exam nila for first semester.
Kakababa nya lang ng sasakyan sa parking lot ng school nila ng mapalingon sya sa tumawag sa kanya, si Travis kasama si Ivo.
"Yo Nick!" Papalapit ito sa dereksyon niya.
Malapad ang ngiting nakipag kamay at bungguan sya ng balikat sa mga ito.
"Dude, san kaba nagpupupunta at two days kang wala? Ang wild ng party ni Gringo tol daming chicks!" Pumito pa ito at gumawa ng hugis babae sa hangin gamit ang kamay. Habang sige ang kwento at pagbida sa party ng isapa ni lang kabarkada.
Mga kababata niya ang mga ito at bestfriend na rin.
lahat sila popular at pinagkakaguluhan sa Westwood University na pag-aari nila Gringo. Bukod sa pare-pareho silang mga gwapo at galing sa mga prominenteng pamilya. lahat sila ay myembro ng Varsity.
"May emergency sa bahay eh." sagot niya na nagpakunot sa noo ni Travis samantalang si Ivo ay parang walang pakialam sa mundo na nakasunod lang sa likod nila.
"Oh anong meron sa inyo?" Tanung uli ni Travis. Makulit talaga ito pagnaumpisahan ng tanong hindi kana titigilan. Isang bagay na madalas kainisan niya dito. Ubod kasi ito ng daldal. Kaya kung gusto mo ng katahimikan lumayo ka kay Travis.
"Nothing!" Naiiritang sabi nya.
"I think theres something came up to you dude." Seryosong sabi nito. "Mukha kang ikakasal eh." Nakangisi pang dagdag nito.
"How did you know?" Takang tanong nya at huli na ng marealize ang sinabi.
Nanlalaki ang mga mata na marahas na nilingon sya nito "So its true?" Gulat na gulat ito at mukang pati si Ivo ay nagulat din dahil agad na sumabay ito sa paglalakad nila. Tumango na lang sya. "You are so f****d up dude!" Nakangiwing sabi nito at awang-awa na tinitigan sya.
"Yeah I know!" Naiiling na sabi nya na lang at nauna ng dumeretso sa tambayan nila.
Pagpasok nya ay nakita agad nya si Gringo na may nakakandong na babae at nakikipag laplapan dito sa couch ng tambayan.
Isa itong dating stock room na pina convert nila para maging tambayan may isang kwarto ito na may kama na nagsisilbing pahinganhan ng gustong matulog may maliit na bar counter na wala namang alak dahil pinagbawal ng daddy ni Gringo. Meron ding ref, dining table, flat screen tv at couch. Aircon ang buong kwarto.
Umupo sya sa tabi ng mga ito at itinaas ang dalawang paa sa lamesita sa harap nila.
Maya maya ay pumasok narin si Travis at Ivo.
"Hey guys ! We need to celebrate !" Bungad agad ni Travis habang si Ivo ay naupo sa katapat na upuan nila.
"Gringo! men! tama na yan maga na yung nguso nyang kalaplapan mo dude di ka lalabasan sa kakalaplap dyan get a room!" baling ni Travis kay Gringo na hindi man lang tumigil sa ginagawa at nag f**k you sign lang na ikinatawa ng huli.
Lumipat ito sa kanila at nakisiksik na rin ito ng upo at parang batang pinagkiskis ang mga palad na tumingin sa kanya. "So Nick kamusta naman ang mapapangasawa mo? Maganda ba?" Tumaas taas pa ang kilay nito.
Naipaikot na lang nya ang mga mata sa sobrang inis at isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa.
"Mapapangasawa?" Tanong ni Gringo na nasa kanya na pala ang atensyon pati ang babaeng kahalikan nito kanina.
Napaungol sya ng maalalang ikakasal na sya.
Tinignan nya muna ang babaeng nakakandong kay Gringo at nakuha naman ng huli ang gusto nyang ipahiwatig.
"Ahm Leslie, can you get out of here now?" Baling ni Gringo sa babae.
"Im Lianne!" Inis na sagot nito.
'Whatever, just get out!" Pabaliwalang sagot naman ni Gringo.
Nagdadadabog na lumabas na ang babae ng tambayan nila. Sabay-sabay naman na tumingin ang mga ito sa kanya.
"I'm getting married next month. My father arrange it." Balewalang sagot niya.
"Condolence dude!" Sabay sabay na sabi ng mga ito at tinapik pa sya sa balikat.
"Paano ba yan, di hindi kana makakasamang mag hook-up?" Nakataas ang kilay na tanong ni Gringo.
"Yeah, dude mababawasan ang chicks mo pagnalaman ni lang kasal kana." Nakakalokong sabi ni Travis na ikinatawa ng mga kaibigan nya pero sya ay nakasimangot lang.
"If... they know..." makahulugang sabi niya.
Nag tinginan naman ang mga kaibigan nya.
"What do you mean?" Tanong ni Travis.
Napangiti lang sya.
"Wala namang makakaalam kung walang magpapaalam dude." Nakangisi nyang sagot. Pwede pa ron siyang mambabae basta wag lang siyang papahuli. Tama! Ikakasal nga siya pero labag naman iyon sa loob niya kaya hindi siya masisisi ng mga tao. Twenty one pa lang siya. Hindi naman siguro iniisip ng iba na makokonteto ako sa isa?
"What a about your future wife? Do you think it will be fine with her?" Tanong naman ni Ivo. Sa kanilang apat minsan mas matino itong mag-isip kahit tahimik may sense naman kapag nagsalita.
Napaisip siya, kung sabagay pwedeng sa magiging asawa niya na lang ibuhos ang mga s****l needs niya kaya lang matitiis niya bang hindi maghanap ng iba? Makakaya niya bang maging loyal sa isa?