“Uy Leo!” Naputol pag-iisip ko nang batuhin ako ni Celine ng fries. “Natutulala ka diyan!” “Iniisip ko lang future ko,” sagot ko. “Future kasama si Bella?” tukso ni Thea. “Pwede,” natatawa kong sagot. At doon ko nakita. Saglit lang. Pero kitang-kita ko. Nanigas si James. Mabilis niyang iniwas ‘yung tingin niya. Pero nahuli ko. Nasaktan siya. At ewan ko ba, parang may kung anong kumurot din sakin. Hindi dahil guilty ako. Kundi dahil alam kong mabait si James. Mas mabait kaysa sakin. Habang ako? Sanay akong kunin gusto ko. Pero siya? Mas pipiliin niyang masaktan kaysa makasakit. “Hoy!” reklamo ni Bella sabay batok kay Thea. “Tama na nga kayo!” “Why?” pang-aasar ni Anika. “Namumula ka na naman!” “The hell are you talking about” “The hell ka din, kita namin.” “Shut up!” Nagtawana

