"The Multiple and The Medusa Eye (Part 1)"
Sa pagpapatuloy...
Tinulungan ni Cristy si Bram para makatakas sa mga kamay ni Bonch.
"Ligtas kana, nandito na Tayo!" Wika ni Cristy habang nakatitig sa likod ng Isang malaking puno. At dahan-dahang lumabas ang isang babae na kamukha ni Bonch. Napaatras si Bram akmang tatakas muli ngunit pinigilan sya ni Cristy.
"Wag Kang matakot, ako si Gemma. Hindi ako masama. Si Bonch o Enigma ang nakaharap mo kanina. Makikita mo ang pagkakaiba namin. Sa pamamagitan ng aking Vinya sa likod." Pakilala ni Gemma at Tumalikod ito at pinakita nya ang gintong ugat na nasakanyang batok.
"Tama, Hindi kami kalaban." Sambit ni Cristy.
"Mabuti pa dalhin mo sya kina Angel. Upang maitago natin si Bram sa mga skin walker at Kay Enigma!" Utos ni Gemma.
"Ako nang bahala guro." Sagot ni Cristy sabay Yuko.
"Sandali, may mga kapatid pa ako. Katulad ko din sila. Tulungan natin sila, kung totoong delikado kaming may mga gift sa kamay ng mga skin walker at Kay Enigma." Wika ni Bram.
Samantala sa Heaven Casino and Bar. Kung saan nag tatrabaho ang dalawang kapatid ni Bram na Sina Helen at Excel.
"Ate Helen, itigil na natin to. Hanapin na natin si Kuya Bram!" Saway ni Excel sakanyang kapatid.
Bumuntong hininga si Helen, sabay suot ng kanyang eye glass. bago humarap Kay Excel.
"Alam ko, pero sa ganitong paraan lang Tayo makakaganti sa mga taong pumatay sa mga magulang natin." Wika ni Helen.
Sasagot pa sana si Excel nang biglang may kumatok sa pintuan ng dressing room.
"Helen, 5mins nalang mag so-show kana. Bilisan mo na!" Sabi ng babae.
"Got it mama." Sagot ni Helen at nagpaalam na ito sakanyang kapatid.
Si Excel naman ay tumitig sa salamin at nag wika.
"Multiple, Multiple" Mula sa kanyang likuran tatlong babae ang lumabas na kawangis nya.
"Tulungan ninyo akong linisin ito. Bago pa dumating si Mama Mia." Wika ni Excel at tumango ang tatlong kamukha nya bilang pag sang ayon.
Samantala sa Pantry.
"So you mean may kapatid ka pa Pala?" Sambit ni Dave.
"Kakasabi lang diba?" Taas kilay na wika ni Angel.
"So saan ba natin sila makikita?" Tanong ni Beam.
"Sa Heaven Casino and Bar." Sagot ni Bram.
"Kelangan nating maka pasok Doon? Dapat may magpapanggap na Entertainer." Sabi ni Leah.
"Ay ako, gusto ko!" Sabi ni Dave.
"Babae po, Hindi yun gay bar!" Saway ni Leah.
"So sino?" Tanong ni Cristy na sa mga oras na iyon ay nandoon Sina Cathy, Rose at Gemma. Hanggang sa dumako Ang tingin Nina Angel, Leah at Dave Kay Rose.
"Masamang Idea yan. Hindi ako G.R.O. mga batang to!" Sabi ni Rose.
"Ate, wag Kang mag aalala. Sasamahan kita!" Ngiting Sabi ni Beam.
"Gustong gusto beam?" Biro ni Angel at Dave.
"Hoi Hindi ah, katulad ni Ate Angel need ko din mag sacrifice para sa Novaria." Wika ni Beam.
"Kung nandito lang si Randy. Wala di ka makaka join!" Sabi ni Gemma.
"Miss Gemma naman. Pero sge na handa nako." Masayang Sabi ni Beam.
"Hoy, Ikaw lang hindi ako!" Wika ni Rose.
"Bakit Hindi nalang isama sina Cathy at si Miss Gemma?" Sabi ni Beam.
"Maging G.R.O.? Wag na. Kami nang bahala ni Cathy sa mga ID ninyo para makapasok kayo Heaven Casino. " Wika ni Gemma.
"Tama, ako naman ang bahala sa mga door access at CCTV camera nila." Sabi ni Cathy at mabilis silang umalis ni Gemma.
Pagkalipas ng ilang oras nag tungo na Ang grupo sa Heaven Casino and Bar.
Habang sina Cathy at Gemma ay nasa kanilang Bahay naka tutok sa security camera na matagumpay na pinasok ni Cathy ang security system ng bar. Mula sakanilang mga computer ay nakikita nila sa mga CCTV ang lahat ng mga nangyari sa loob ng Bar. Nakikipag usap lang sila grupo gamit ang wireless earbuds na ibinigay nila sa grupo.
"Naka pasok na kami sa Entrance." Wika ni Dave na kasama Niya Sina Leah at Angel sa mga oras na iyon.
"Jared, Cristy and Bram kamusta kayo sa Van?" Tanong ni Cathy.
"Ready na kami dito. Sana mag iingat si Angel." Wika ni Jared. Na narinig Naman yun ni Angel sa kanyang suot na wireless earbuds.
"Ano ba! Parang baliw!" Wika ni Angel.
"Tamang pakilig lang?" Bitterness ni Dave.
"Papano na si Sam Sis?" Tanong ni Leah.
"Wala naman akong sinasabi." Sambit ni Angel at abala ang kanilang mga mata sa pagmamasid sa mga taong hinahanap Nila.
"Beam at Rose kamusta kayo sa back door?" Tanong ni Gemma.
"Nakakaloka Gemma. Sobrang higpit ng security dito." Wika ni Rose habang nakaharap sa pintuan. Habang si Beam naman ay pinatulog ng suntok ang mga bantay.
"Cathy, pwdeng pa bukas ng pinto?" Utos ni Rose sakanya.
"Sure, wait. Yung code Dyan ay.." wika ni Cathy habang abala ang kanyang kamay sa kakapindot sa keyboard. Ilang minuto lang ay Nakapasok na Sina Beam at Rose.
Nang makapasok sila agad silang nag tungo sa backstage kung saan utos ni Cathy.
"Dyan sa hallway na yan, pumasok kayo Dyan ko nakita Sina Excel at Helen." Wika ni Cathy habang nakatingin sa Security footage.
"Team, wag kayong gagawa ng eksena. Kakausapin natin sina Excel at Helen." Paalala ni Gemma.
"Pero, Miss Gemma. Malabo yan." Wika ni Angel.
"Bakit?" Tanong ni Gemma.
"Nandito Sina Nicole at Julianne. Kasama Niya kayo?" Wika ni Leah.
"Ha? What do you mean?" Tanong ni Gemma.
"Si Enigma!" Wika ni Dave.
"Mag iingat kayo, if you need back up. Please mag bigay kayo ng signal. Lalo kana Angel." Sabi ni Jared.
"Sige Tama na yan, umupo na Tayo." Wika ni Leah.
"Ate gel, ready na ba kayo? Nakita ko na si Helen pero si Excel Hindi ko Makita!" Sabi ni Beam.
"Oo nga. Pero jusko kapos sa tela ang Sout ko!" Reklamo ni Rose.
"Para sa Novaria ate." Sabi ni Beam Kay Rose.
"Oo para sa Novaria. Magiging GRO ako nakakaloka!" Wika ni Rose.
"Okay girls smile. And galingan!" Sigaw ng matandang babae. At Isa Isa silang lumabas ng Stage.
Samantala sina Julianne at Nicole Naman ay nag nagmamasid sa paligid.
Si Dave naman ay may nakitang vision.
"Dave ayus ka lang?" Tanong ni Leah.
"Sis Anong nakikita mo?" Tanong naman ni Angel.
Sa kabilang dako naman ang lahat ng nakikita sa vision ni Dave, ay nakikita din ni Julianne.
"Anong nangyayari Juls?" Tanong ni Nicole.
"Alam ko na kung saan ang gift na may kakayahang paramihin ang sarili." Wika ni Julianne at mabilis itong umalis. Ganun din ang ginawa ni Dave nag tungo kung saan Niya nakita si Excel.
"Anong nangyayari Leah?" Tanong ni Gemma habang nakikita nya sa security camera na umalis sila sa kanilang kinauupuan.
"Miss Gemma, nakita na ni Dave Ang location ni Excel." Sagot ni Leah.
"Delikado, diba ang mga vision ni Dave at Julianne ay konektado?" Tanong ni Cathy.
"So ibig sabihin. Patungo na din sina Julianne Dyan. As much as you can team wag kayong gagawa ng eksena. " Wika ni Gemma.
Nang marating nila ang lugar kung saan nakikita nilang Nag lilinis si Excel.
Mabilis na hinawakan ni Julianne si Excel ngunit biglang naglaho si Excel.
"s**t! Dummy!" Wika ni Julianne. At Mula sa kanilang likuran mahigit sampo ang bilang na lumabas na kamukha ni Excel, sabay sabay itong nag wika ng.
"Hindi ninyo ako makukuha!" Sabi nito at Sabay sabay itong naglaho.
Huli na ding dumating sina Angel, Leah at Dave.
"Anong ginawa mo!" Sigaw ni Dave.
"Dave kalma lang. Ang gift ni Earth shaker!" Saway ni Leah.
"Sis chill lang wag Kang gagawa ng eksena." Saway Naman ni Angel.
Samantala si Bonch o enigma Naman ay nag palit anyo bilang Isang matipunong lalaki.
At papalapit na si Helen sakanya.
Itutuloy...