CHAPTER 3: Rough Became Passionate

1384 Words
Lorna "D-Denver?" Napabalikwas ako at napalingap sa buong paligid. Ngunit wala akong nakitang anumang tao dito sa loob kundi ang kurtina sa sliding door ng balcony na patuloy na inililipad-lipad ng hangin. Bumaba ang paningin ko sa katawan ko at napansin kong nakalas na ang tali ng suot kong robe at nakalantad na rin ang hubad kong katawan. Wala sa sarili kong hinawakan ang kaliwa kong n****e. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin doon ang init ng bibig niya at ang paraan niya nang pagsipsip nito. "s**t!" Napapikit ako ng mariin. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. "P-Pero panaginip lang? W-Wala siya..." naibulong ko sa sarili ko kasabay nang muli kong paglingap sa buong paligid. Mabilis kong hinila ang comforter at itinabing sa katawan ko. Bumangon ako at nagtungo sa pinto ng balcony. Sumilip ako sa labas ngunit kadiliman ang sumalubong sa akin at wala akong makitang tao doon. Napansin kong may mga katabi rin akong balcony na sa tingin ko ay mga silid din ang naroroon at tahimik na sa gabing ito. Mabilis ko nang isinara ang pinto at kaagad na bumalik sa kama. Ibinalot ko ang makapal na comforter sa katawan ko at muling ipinikit ang aking mga mata. Ngunit lumipas na ang ilang sandali ay hindi na ako dalawin ng antok. Nananariwa sa isipan ko ang mukha ni Denver at ang mga ginawa niya sa akin. Muli kong naramdaman ang pag-iinit ko at ng maselang parte ng katawan ko. God! Mababaliw yata ako nito! Ano ba itong ginagawa niya sa akin?! *** KINABUKASAN Maaga pa lang ay kaagad na akong nagising dahil hindi rin naman ako halos nakatulog sa buong magdamag. Namamaga at nananakit ang mga mata ko. Sobrang bigat din ng pakiramdam ko at para akong lalagnatin. Dahan-dahan akong bumangon at bumaba ng kama. Inayos ko ang pagkakasuot ko sa robe bago ako nagtungo sa sliding door ng balcony at binuksan ito. Lumabas ako doon at sumagap ng malamig at sariwang hangin sa umaga. Ngunit napansin kong tila may nagmamasid sa akin. Kaagad akong napalingon sa kanang bahagi at kamuntik na akong mapatalon sa gulat nang si Denver ang nabungaran ko doon at taimtim na nakatitig sa akin. Kaagad na umakyat ang dugo sa ulo ko. "Ikaw na naman?! Panira ng umaga," inis kong sabi sa kanya. Sumilay naman ang pilyong ngiti sa mga labi niya na siyang nagpahinto sa akin. Napalunok ako nang mapagmasdan ko na ang kabuuan niya. Nakalugay na ang medyo alon-alon niyang buhok na abot hanggang balikat ang haba. Mas tumingkad din ang kagwapuhan niya sa dark golden blonde color nito. Nakadagdag pa ang kumikinang-kinang na hoops earring gold niya sa kaliwa niyang tainga. Naka-topless siya at nakabalandra sa harapan ko ang namimintog niyang mga dibdib, ang firm niyang mga muscles at eight packs abs niya sa tiyan. Seriously? Pangalawa yata siya sa nakita kong may ganyang katawan. Una ay si Darell. Nagpatuloy sa pagbaba ang aking mga mata sa kanyang katawan. At gano'n na lamang ang panunuyo ng lalamunan ko nang madaanan na nito ang perpektong hugis ng V-line niya sa puson. Shit. Biglang kumalam ang sikmura ko at parang gusto kong kumain bigla ngayon ng masarap na pandesal. "Staring is rude." Bigla naman akong natauhan sa sinabi niya at napabalik muli ang paningin ko sa nakakainis niyang mukha. Naroroon pa rin ang mga mata niyang taimtim na nakatitig sa akin. "Talaga ba? Ako ba talaga ang bastos sa ating dalawa?" sarkastiko ko namang sagot sa kanya. "Hindi ba kabastusan 'yong pinasok mo ako sa banyo? Hinalikan mo ako at hinawakan sa--s-sa ... basta! Sa katawan ko!" Bigla naman siyang tumawa na siyang ikinahinto ko. Naglitawan bigla ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin at sumilay din ang ilang munting dimple niya sa gilid ng mga labi niya. "It's my home and I can do everything I want." Muli na naman akong natauhan sa sinabi niyang 'yon. "Wala ka pa ring karapatan na hawakan ako!" Kaagad ko na siyang tinalikuran at muling bumalik sa loob ng silid bago pa ako ma-high blood sa kanya at matiris ko siya ng pinong-pino! Nakakainis! Sana karmahin siya sa mga pinaggagagawa niya! Nagtungo ako sa banyo at naligo. Mahabang sandali akong nagbabad sa ilalim ng malakas na buhos ng tubig mula sa shower. Inalis ko ang lahat ng init na namumuo ngayon sa katawan ko. Nang matapos ay nagtapis lang ako ng tuwalya sa katawan ko. Muli akong lumabas ng banyo at dinampot ang mga damit ko sa isang couch. Kaagad kong isinuot ang aking bra ngunit natigilan ako nang hindi ko makita ang panty ko. "Oh, nasaan na 'yon?" Dinampot ko ang damit ko at iwinagwag ngunit walang panty ang lumaglag mula doon. "Nasaan 'yon?" Halos mapapadyak ako sa sahig dahil kung kailan nagmamadali naman ako ay saka pa siya nawawala! Mabilis akong yumukod sa ibaba at hinanap ito sa ilalim ng couch ngunit wala akong makita na kahit ano doon. Sinilip ko rin ang likod nito ngunit wala din doon. Nagtungo ako sa kama at iwinagwag ang makapal na comforter. Iniangat ko rin ang mga unan ngunit hindi ko rin ito natagpuan doon. Sinilip ko ang ilalim ng kama ngunit wala rin. Bumalik ako sa loob ng banyo ngunit wala rin akong nakitang panty doon. Muli akong lumabas at kinalkal naman ang bag ko ngunit halos mapasabunot ako sa buhok ko nang wala rin akong nakita doon! "Nasaan ba 'yon?! Sinong kumuha?!" "Is this what you're looking for?" "Ay, panting b***t!" Napatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita mula sa likuran ko. Kaagad ko ring natakpan ang bibig ko nang ma-realize ko ang nasabi ko. Nabungaran ko sa pinto ng balcony si Denver. Nakasandal siya doon habang pinaiikot niya sa daliri niya ang kapirasong tela na kilalang-kilala ko. Ang panty ko! "Hoy! Walanghiya ka! Ibalik mo sa akin 'yan! Bastos ka talaga!" Tinakbo ko ang kinaroroonan niya at tinangkang agawin ang panty ko mula sa kamay niya ngunit mabilis niya itong naitaas kasabay nang paghapit niya sa baywang ko. Nawalan ako ng balanse at bigla kaming bumagsak sa sahig! Sumunod ko na lamang naramdaman ay ang bigat niya sa ibabaw ko at ang halos ga-hibla na lamang ang pagitan ng aming mga mukha sa isa't isa. Halos maduling ako habang nakatitig sa mga mata niya. "Ako ba talaga ang bastos? Ikaw nga itong walang suot na underwear sa harapan ko," nakangisi niyang sabi kasabay nang matigas na bagay na naramdaman kong kumuskos sa gitna ng mga hita ko. Nanigas akong bigla kasabay nang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan. Hindi kaagad ako nakakilos habang nakatitig sa mga labi niyang tila nang-aakit na naman, kasabay nang sensasyong ipinararamdam na naman niya sa akin sa mga sandaling ito. Napansin kong unti-unting bumababa ang mga labi niya sa mga labi ko ... ngunit sunod-sunod na katok sa pinto ang biglang nagpagising sa akin. "Shit." Malakas ko siyang naitulak at mabilis na inagaw mula sa kamay niya ang panty ko. Napatihaya naman siya habang nakangisi at nakatitig sa akin. Ako naman ay mabilis na bumangon. "Lumabas ka na! Labas na!" bulong ngunit mariin kong utos sa kanya habang hindi ako magkanda-ugaga sa pagsusuot ng panty ko! "Lorna?" Mas lalo akong nag-panic nang marinig ko na ang tinig ni Darell kasunod ang muli nitong pagkatok sa pinto. "D-Darell, nand'yan na! N-Nagdadamit lang ako!" Nagdoble-doble na ang kabog ng dibdib ko sa takot at kaba! "Alright. Breakfast is ready. Don't take too long." "O-Oo, s-susunod na ako!" Tumayo na rin si Denver. Tatalikuran ko na sana siya upang kunin ang damit ko sa couch nang bigla niya muling hinapit ang baywang ko at mabilis niya akong isinandal sa pader. "Denver, ano ba--uhmm!" Napahinto ako nang bigla na lamang niyang nilamukos ng halik ang mga labi ko. Nanlaban ako ngunit wala akong magawa sa lakas niya. Nakayakap ng mahigpit sa akin ang isa niyang braso at ang isa niyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa batok ko! "Uhmm..." Pilit ko siyang itinutulak dahil mali ito! Kapatid niya ang fiance ko! Kapatid niya si Darell! Ngunit kusa na lamang akong nanghina nang biglang naging masuyo ang kanyang mga halik. Lumalim ito at tila nagkaroon ng damdamin na hindi ko maipaliwanag. Hindi na ako nakagalaw pa. At habang tumatagal ay unti-unti na rin niyang kinakain ang aking katinuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD