"MISS Paige?" Nagmulat ng mga mata si Paige ng marinig niya ang boses na iyon ni Asunta. Pagmulat niya ay agad niyang nakita si Asunta na nakatayo sa harap niya. Bahagya namang nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya ang pagka-aburido na bumalatay sa mga mata nito. Napansin din niya na hawak nito ang cellphone nito. Nasa set siya ng taping niya para sa bagong Drama na pinagbibidahan niya. Umpisa na kasi ng taping niyon. Hindi pa siya ang isasalang ng director kaya nagpapahinga mo na siya sa sasakyan niya. Umayos naman siya mula sa pagkakasandal niya sa headrest ng backseat. "May problema ba?" tanong naman niya dito. Saglit naman nitong kinagat ang ibabang labi bago bumuka ang bibig nito para magsalita. "Hmm...nag-open na po ba kayo ng social media account niyo?" wika naman n

