Prologue

1027 Words
MALAKAS na pumalakpak ang professor nila Paige Celeste na si Mrs. Maramba. Senyales na iyon para mag-umpisa na sila sa kanilang practice. Umakyat na si Paige at ang kanyang mga kasamahan sa Theatro sa stage. Paige Celeste was a member of theater arts of their University. Pangarap din niyang maging isang sikat na artista balang araw. Kaya pagtungtong niya sa High School noon ay sumali na siya sa Theater Arts sa eskwelahan nila para hubugin ang kakayahan niya sa pag-arte. Hanggang sa makatungtong na siya ng kolehiyo ay miyembro pa rin siya sa Theatro. Stepping stones niya iyon para matupad ang pangarap. “Okay let’s start, ” anunsiyo ng kanilang professor. Humarap siya kay Ron ang partner niya sa drama. “Are you ready?” tanong ni Paige kay Ron. Nang tumango ito ay agad na sumeryoso ang mukha niya at nag-umpisa na siya sa pag-arte. “A-akala ko ba ako lang?” wika niya dito. Naging tahimik din ang buong paligid, medyo pumiyok na din ang boses niya sa sandaling iyon. Kahit practice lang iyon ay hinusayan niya talaga ang pag-arte. Gusto niyang gawin ang best niya, hindi para sa sarili kundi para din sa mga kasamahan niya. “Ang sabi mo pa ay ako lang ang m-mamahalin mo?” patuloy niya. Mabilis din na nag-sipatakan ang luha sa kanyang mata. “Pero sino iyong babaeng kasama mo? At hindi mo lang siya basta kasama. Magkayakap pa kayo!” “I’m sorry, " tanging wika nito habang nakayuko. “Sorry?” wika niya dito, tumawa pa siya ng pagak. “Iyan lang ba ang sasabihin mo sa’kin? Sa tingin mo sa simpleng sorry ay mababago ang lahat?” Nang akmang hahawakan siya nito para i-comfort ay umatras siya. “Huwag na huwag mo akong hahawakan!” sikmat niya rito. “Mahal kita, pero sinaktan mo lang ako.” Habang sinasabi niya iyon ay patuloy pa rin siya sa pag-atras. Kakaiba ang tema ng isinasadula nila Paige sa sandaling iyon. Hindi iyon tulad ng dati na base on history o sa mga fairy tale. Dahil ang isinasadula nila ngayon ay hango sa totoong nangyayari sa buhay. Tungkol iyon sa isang magkasintahan na sinubok ng pagkakataon—isang problema na magsusukat sa pagmamahalan at pagtitiwala sa isa’t isa. Nalaman kasi noong babae na maliban sa kanya ay may ibang babae sa buhay ng lalaking mahal niya. “Ma— “Watch your step, Paige!” Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng marinig ang sigaw ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki mula sa baba ng stage. Lumingon si Paige sa kanyang likod. And the next thing she knew, ay wala ng natatapakan ang paa niya sa sandaling iyom. Hindi niya napigilan ang mapatili. Narinig din niya ang tiliin ng mga kasamahan niya. Ipinikit na lang ni Paige ang mata habang patuloy pa rin siya sa pagtili habang hinihintay niya na bumagsak ang katawan niya. Pero mayamaya ay hindi niya maiwasan ang magtaka ng sa halip na matigas at malamig na semento ang kinabagsakan niya ay sa isang malambot na katawan siya bumagsak? Nagmulat si Paige ng mata at nabungaran niya ang nag-aalalang mukha ni Gregory. Gregory family and her family were living in the same village. Mag-bestfriend pa ang Mama niya at ang Mama ng binata. Mayamaya ay napalunok si Paige ng tumaas ang kamay ni Gregory para hawiin ang buhok niyang tumatabing sa kanyang mukha. Hindi din niya napigilan ang mapatitig sa gwapong mukha nito. “Are you hurt? Are you okay?” halos makasunod na tanong nito, mababakas din sa boses nito ang pag-alala, hindi lang iyon, pati na din sa ekspresyon ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya. At hindi niya maipaliwanag sa kanyang sarili kung bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya habang nakatitig siya sa nag-aalalang mukha nito. “Are you okay, Paige?” nag-aalalang tanong din ni Ron sa kanya. Nang mag-angat si Paige ng mukha ay napasinghap siya dahil halos lahat ng kasamahan niya sa theatro, mga nanunuod sa practice nila, pati na din ang professor nila ay nakapalibot sa kanila. Ibinalik niya ang tingin kay Gregory. At do’n lang niya na-realize na nakakumbabaw pala siya dito. At nakapulupot din ang isang kamay nito sa baywang niya. Nahihiyang tumayo si Paige. Kahit namumula ang pisngi dahil sa hiyang nararamdaman ay inalalayan pa din niya si Gregory na bumangon. “Are you okay?” tanong muli ni Ron sa kanya. Napatili naman siya ng biglang sinugod ni Gregory si Ron at kwenilyuhan nito. “You asking her if she's okay?!” galit na sigaw nito kay Ron. “Tarantado ka pala, eh. Sa tingin mo kung hindi ko siya agad nasalo magiging okay siya? For pete sake! Ikaw ang malapit sa kanya pero hindi ka man lang gumawa ng paraan para hindi siya tuluyang mahulog sa stage! " “I’m sor— “Sorry? Iyang lang ba ang sasabihin mo? Sa tingin mo sa simpleng sorry magbabago ang lahat? ” Pamilyar sa kanya ang sinabi nito, dahil sa kanya nanggaling iyon. It was her line a while ago. Ibig sabihin ay kanina pa ito nanunuod sa practice nila? Napatingin siya kay Gregory, wala na iyong pag-alala na nakabalatay sa mata nito. Napalitan na iyon ng galit habang hawak-hawak nito sa kwelyo si Ron. Pumagitna naman na siya sa mga ito. “Hey, Greg, " wika niya sa palayaw niya dito." Ako ang may kasalanan sa nangyari. Hindi kasi ako tumitingin sa inaatrasan ko, ” paliwanag niya. Saglit lang naman siya nitong binalingan. “Kahit na. Kasalanan pa din ng tarantadong ito!” “Mr. Rivas watch your language, " sita na ni Mrs. Maramba kay Gregory dahil sa pagmumura nito. Sa pagkakataong iyon ay doon lang naman ito kumalma. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. “Next time. You should take good care of her.” wika ni Gregory kay Ron bago nito hinawakan ang kamay niya at hinila paalis sa lugar na iyon. And right at that moment, she felt so surreal, no—everything was so surreal. Her heartbeat, her pulse rate, her strange feeling when he held her hands. And Gregory strange behavior.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD