"KAYA mo pa ba?" Hindi na makatiis si Paige na tanungin iyon kay Gregory nang sulyapan niya ito sa kanyang tabi. Pauwi na silang dalawa sa condo nito galing sa opisina nito. Nag-desisyon silang sa condo nito dumiretso pauwi dahil safe place iyon para sa kanilang dalawa. At susunduin din sila ng helicopter mamaya para ihatid sa bahay nila sa Pampanga at doon mananatili ng weekends. Napansin naman ni Paige ang bahagyang pagsalubong ng kilay ni Gregory sa tanong niyang iyon. "Kaya pa ang alin?" tanong naman nito ng saglit siya nitong binalingan. Agad din naman nitong ibinalik ang tingin sa harap ng kalsada. Kagat naman niya ang ibabang labi na ipinatong niya ang isang kamay sa hita nito. Naramdaman naman niya na natigilan ito sa paghawak niya sa binti nito. Sa pangalang pagkakataon a

