MAAGANG nagising si Paige kinabukasan. Napatingin naman siya sa kanyang tabi at parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya nang makita niya si Gregory na mahimbing na natutulog. Nakita din niyang nakayakap ang isa nitong kamay sa katawan niya. Hindi din niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi habang nakatitig siya sa nakapikit na mata nito. Ang amo ng mukha nito habang natutulog pero kapag gising naman ito ay para itong mabangis na Leon. Nangingiting napapailing naman siya. Mayamaya ay tumaas naman ang isang kamay niya para haplusin ng dahan-dahan ang pisngi nito. Kinagat naman niya ang ibabang labi ng i-trace niya ang daliri sa matangos na ilong nito. At hindi din niya napigilan ang mapatitig sa mapupulang labi nito. Hindi din niya napigilan ang sarili na haplusin

