Prologue

289 Words
"Masusunod po." Saad ng babae sa hari na siya ring kanyang ama. Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang paglalakbay upang sundin ang misyon na nakaatang sa kanya nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Base sa presensya nito alam na niya agad kung sino ito. "Lumabas ka na diyan, mahal kong kapatid." Utos niya rito. "Napakagaling mo talagang makiramdam, Ate." Sagot nito sa kanya. "Alam ko. Kaya nga alam ko rin kung bakit mo ako sinusundan, kapatid ko. At ang sagot ko ay nananatiling HINDI. Hindi ko tatanggihan ang posisyon." Matapang niyang sagot. "Kung ayaw mong tanggihan, ako mismo ang gagawa ng paraan upang hindi mapasaiyo ang korona!" Galit na sigaw ng kanyang kapatid sabay tarak nang nagyeyelong espada sa kanyang dibdib na kanyang ikinagulat. Ngunit mas nakuha ang atensiyon niya nang matunaw ito imbes na tumama sa kanya. Sa kanyang pagkabigla hindi niya namalayan ng may sumaksak sa kanyang kapatid na dahilan nang pagbagsak nito sa lupa. Lilingunin na sana nya ang may gawa nito nang maramdaman niya ang mainit na humati sa kanyang puso na sanhi ng unti-unting paglabo ng kanyang paningin. Pilit niyang inaaninag kung sino ang may gawa nito subalit tila hindi nakikisama ang kanyang mga mata at patuloy pa rin ito sa paglabo. Paano nagawa ng kapatid kong pagtangkaan ang buhay ko? Tama ba ang desisiyon kong tanggapin ang posisyon? Ano nang nangyari sa kapatid ko? Paano na ang Water Division kung mamamatay ako? At sino ba ang lalaking ito na nakayanang gawin ang ganitong bagay sa amin? Sa amin na kilala bilang isa sa pinakamalakas na Guerrier sa aming mundo? At bakit ko inakalang ililigtas niya ako kung siya rin pala ang papatay sa akin? "Dapat matagal ko na itong ginawa, mahal ko." At tuluyan nang nanaig ang kadiliman sa aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD