Connection

1739 Words
Avianna's POV Pagmulat ko ng mata yung mga sinabi agad ni Adam ang naalala ko. Makakalabas na ko sa kwartong ito. Kahapon lang ako nagising pero pakiramdam ko ang tagal ko nang gising at nakakulong dito sa kwarto na 'to. Siguro kahit tulog ako, yung diwa ko gising. Kaya ramdam ko pa rin ang pagkabagot ko sa loob ng silid na 'to. Kaya ngayong makakalabas na ko, susulitin ko na. Nakaligo at nakabihis na ko. So, what to do next? Dahan-dahan na akong naglakad papunta sa pinto. Habang papalapit ako naiisip ko kung ano ang makikita ko sa labas. Maganda ba o nakakatakot ang itsura? Nanginginig yung kamay ko nung nahawakan ko yung door knob. Para bang first time kong makalabas ng kwarto kung kabahan ako. Siguro naman hindi ito ang first time kong makalabas ng kwarto. Mukha naman akong 18 years old and up. Kaya alam kong hindi ito ang first time. But I'm still nervous. Feeling ko kasi madami akong malalaman paglabas ko pa lang sa silid na 'to. And I wish that, it is for the better. Pagbukas ko ng pinto, lumantad sakin ang carpeted hallway. And I realized that I'm at the end of this hallway. It is dark. But it doesn't look creepy. Even this hallway screams power and elegance. Just like its owner. Along the hallway, different vintage furnitures are displayed. The designs are very attractive. When I reached the end of the hallway, I saw a grand double staircase. For God's sake. It's made of gold. A pure gold. I'm like a princess rounding her palace. Everything here are beautiful. Too beautiful that you'll be scared to touch, scared of destroying it but I observed that if it's not gold everything here is red. Any shade of red. Is red his favorite color? I saw a layer of picture frames in the wall. In the middle of it, the biggest frame were placed and a name is written in it. Adammiel Klein Monte Carlos. Monte Carlos? I think I adready heard that name before. Adam is in the middle and two other person in his both sides. By their features, they must be his parents. In this picture, their eyes are very scary. I don't know why. But his skin here are very flawless. No veins are visible. He is very handsome. Iniwan ko na ang mga picture dahil baka kung ano pang maisip ko tungkol sa lalaking yun. Kanina pa ko naglalakad pero hindi ko makita-kita yung pintuan palabas ng bahay na 'to. Mansyon pala. Gaya ngayon, ang narating ko ay ang dinning area. A very big dinning area. A sixteen seater long table and a big elegant chandelier in the middle top of it. Hindi na ako makahinga sa mga nakikita ko. Sobrang yaman niya siguro. Ano yung naaamoy ko? Ang bango! Sinundan ko yung amoy at nakita ko si Adam na nagluluto. Only wearing his apron. He look hot. Hindi nakabawas sa kanyang appeal yung balat nya. Actually, mas bakadagdag pa 'to sa kanyang kagwapuhan. Agad akong napatago sa pader ng lumingon sya sa banda ko. Tumuloy na ako sa dinning area. Alam ko naman na pupunta sya dito. "I was about to call you. Nandito ka na pala." Sabi nya habang bitbit yung niluto nya. Buti naman may damit na sya. "Naglibot lang ako. Tapos narating ko 'to." Paliwanag ko. "Let's eat." Sabi nya kaya umupo na ko sa bandang kanan nya. Nakaupo kasi sya sa dulo ng lamesa. Tahimik lang kami habang kumakain. Syempre bawal naman ako magtanong ei. Edi mananahimik na lang ako. Infairness masarap yung luto nya. Wala bang mga maids dito at sya ang nagluluto. Wala rin kasi akong nakasalubong kanina sa buong paglilibot ko. Sa laki ng mansyon na 'to? Wala syang hinire na katulong? Imposible. Kung ganito kalaki ang bahay ko, maghihire talaga ako ng maraming katulong. Hirap kaya maglinis. "We don't have maids here. So as much as possible, iwasan mong magkalat." Mind reader ba 'to? Ang creepy ah. Baka mamaya nababasa nya lahat ng nasa isip ko. "Hindi. Hindi ako mind reader." Lalong nanglaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "Ang dali kasing basahin ng reaction mo. Kaya nasasagot ko yung mga tanong mo na hindi mo masabi." Paliwanag nya. Talaga? Iiwasan ko na ngang ipahalata kung anong nasa isip ko. Nabubuking tuloy ako ng wala sa oras. "Pwede na ba akong lumabas ng bahay?" Tapos na kasi akong kumain. Syempre lalabas na ako. I'm so excited!!! "Intayin mo lang ako." Sabi nya habang pinagpapatong yung mga pinggan na ginamit namin. Nagdadalawang isip ako kung tutulungan ko sya. Parang ang sama ko naman kung di ko sya tutulungan diba? "Don't." Ano ba yan. Iaangat ko pa lang yung kamay ko para kunin yung mga basong ginamit namin. Pinagbawalan agad? Siguro gusto nya kong magbuhay prinsesa dito? Pero di pwede yun. Kinuha ko yung mga baso tsaka ko sya sinabayan sa paglakad papunta sa kitchen. "Stubborn girl." Narinig kong bulong nya. Pinabayaan ko lang sya hanggang makarating kami sa lababo. Pagkalapag nya ng mga plato, huhugasan ko na sana nang hawakan nya yung kamay ko. I felt goose bumps the moment I felt his skin touch mine. Napalayo ako sa kanya. Parang may kuryenteng dumaloy galing sa kanya papunta sakin. "Ako na." Hindi ko sya pinakinggan dahil occupied pa rin ang isip ko sa nangyari. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong higitin palapit sa kanya tsaka nya ko sinandal sa pader. Tinititigan nya lang ako ng matagal. As if studying me. Hindi siguro sya makapaniwalang sinuway ko sya ng dalawang beses na magkasunod. Napatigil ako sa pag-iisip ng maramdaman kong papalapit sya ng papalapit. Is he going to kiss me? Ano ba 'tong nagawa ko? Nung akala ko hahalikan nya na ko, lumagpas yung mukha nya papunta sa tainga ko. "If I say don't, don't." Nagtaasan lahat ng balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga nya sa tainga ko. Nakakatakot yung pagkasabi nya nung mga salita na yun. Matatakot ka talagang suwayin sya. Fine. Hindi ko na sya susuwayin. Parang mangangain ng tao ei. "Understand?" Nakataas ang kilay nyang tanong. Napatango na lang ako bilang sagot. Buti na lang lumayo na sya. Feeling ko bibigay yung tuhod ko kung hindi pa sya lalayo ei. Siya na yung pumalit sa pwesto ko kanina. Maya-maya lang tapos na agad sya. "Let's go." Galit na naman ata. Di man lang nagbago yung eksresyon ei. Sinusundan ko lang sya habang naglalakad sya kasi hindi ko naman alam kung saan yung labasan. "Malayo pa-" Hindi ko na naituloy yung itatanong ko dahil natanaw ko na ang napakalinaw na dagat di ka layuan. And we are heading to the terrace. "We'll go there later. It's still hot outside." He said plainly. Napakasarap pagmasdan ng kapaligiran. The blue sky reflects to the seawater. And it is very fascinating. We just stay here in silence. It's not awkward though. He told me to rest first. So we can go there later afternoon. I just nod. He left me without a word. For me, it is better. The moment I saw the water, feeling ko dinadamayan nya ko sa pag-iisa ko. I feel relief about that. Kasi alam kong di na ko nag-iisa, na may karamay pa rin ako. Sana tulungan ako ng tubig na malaman ang totoong pagkatao ko. Kahit tubig man lang matulungan ako. Alam ko naman kasing sarili ko lang ang mayroon ako ngayon. Hindi ko alam kay Adam kung may balak ba syang sabihin sakin yung mga kailangan kong malaman. Sa sobrang dami kong gustong malaman, hindi ko na namalayan ang oras kaya bumalik na ako sa loob. Liliko na sana ako papuntang kwarto ko nang makasalubong ko si Adam. "Gusto mo na bang lumabas?" Tanong nya sakin. "Sige." Tanging sagot ko dahil magulo pa rin ang isip ko. Habang naglalakad kami iniisip ko kung ano ba talaga ang relasyon namin ni Adam. Hindi naman nya kasi sinagot yung tanong ko na yun. Malabo naman na kapatid ko sya dahil hindi naman kami magkamukha. Bestfriend ko kaya sya? Pwede. Pero bakit ang cold nya? Katiwala kaya ng pamilya namin? Malabo rin naman kasi mukha syang mayaman. Boyfriend? Erase. Erase. Yan ang pinakamalabo dahil kung boyfriend ko sya hindi ganito ang trato nya sakin. Tama naman ako diba? Eh ano ko sya? "Nandito na tayo." "Wow." Kahit malayo pa kami pakiramdam ko ang lapit-lapit ko na sa tubig. Hahakbang pa sana ako papalapit nang pigilan na naman nya ako. "You can't." Pigil nya sakin. "Why?" Pagtataka ko. Kung ano-ano na naman idadahilan nya. "Baka makasama sayo." Nang tignan nya ko sa mata nakita ko ang pangamba sa kanya. Bakit? Bakit sya nangangamba? "Saglit lang naman. Kung tinatamad kang maglakad ako na lang." Malayo-layo pa kasi ang lalakarin bago makarating sa mismong dagat. "Three minutes. You only have three minutes." Anunsyo nya. Nakulitan siguro sakin. "Three minutes?! Ang bilis naman!" Reklamo ko. Ang bilis kaya. Baka nga di pa ako nakakarating ubos na yung oras. "If you don't wa-" Hindi ko na sya pinatapos dahil alam ko naman yung sasabihin nya. "Fine." Sabi ko sabay takbo papunta sa dagat. Bakit pakiramdam ko nangyari na 'to dati? Yung ganitong feeling na sabik na sabik akong makalapit sa dagat. Ang hindi ko pa maintindihan, gumagaan talaga ang pakiramdam ko habang papalapit ako sa dagat. Nang makarating ako ay hindi ko mapigilang dumakot ng tubig na mabilis rin namang nawala sa kamay ko. Ramdam na ramdam ko na may kakaiba sa nararamdaman ko ngayong malapit ako sa tubig. Hindi ko lang talaga alam kung ano. At bakit? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang napakatagal kong nawalay sa aking kapamilya. At ngayon nagtagpo na kami. "Time!" Sigaw ni Adam mula sa kalayuan. Kahit labag sa loob ko unti-unti na akong tumalikod mula sa dagat. Nanghihina ako. Yan ang nararamdaman ko habang papalayo ako sa dagat. Nakita ata ni Adam kaya naglakad na rin sya papunta sakin. Hindi ko na ata kaya. Babagsak na sana ako nang masalo ako ng mga bisig sya. "Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong nya sakin. "Napagod lang siguro ako." Pagsisinungaling ko. Alam ko naman kasing dahil 'to sa paglayo ko sa dagat. AMalalaman ko rin kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. "Kaya mo bang maglakad?" Tanong nya sakin na tinanguan ko lang. Alam kong hindi lang basta-basta ang naramdaman ko kanina noong lumapit at lumayo ako kanina sa tubig. Noong lumapit ako gumaan ang pakiramdam ko. Noong lumayo naman ako nanghina ako. Connection. May koneksyon kami ng tubig. Kailangan kong makabalik sa dagat dahil alam kong malaki ang matutulong nito sa mga plano ko. "Humiga ka na." Nandito na pala kami. Ang bilis naman. "Magpahinga ka na. Hahatiran na lang kita ng pagkain mamaya para sa hapunan." Sabi nya sabay alis. Alam kong nagtataka sya kung anong nangyari sakin pero hinding hindi ko sasabihin sa kanya sapagkat hanggang ngayon wala pa rin akong tiwala sa mga ikinikilos nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD