Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang hindi mapalis-palis na ngiti sa mga labi ng ginang. "Lagi niyang sinasabi na nagagalit ka sa pangungulit niya at ilang beses mo na siyang ipinagtabuyan. Pero kabaliktaran sa iniisip mo, hindi ko kailanman nakita kay Ryu ang inis o pagdaramdam sa mga kwento niya. Sa halip, ay natutuwa at naaaliw siya. Positibo siyang darating din ang araw na magugustuhan mo siya kaya nagpasya siyang hindi ka susukuan." Muli siyang yumuko upang ikubli ang mga luhang bumukal sa kaniyang mga mata. "He also said that you hated his group. Na para sa iyo ay wala namang saysay ang grupong kinabibilangan nila. My son would just laugh hard whenever he'd say that. Ewan ko ba sa batang iyon..." She remained quiet as she listened to Mrs. Donovan. "But you know what

