“Saang kalawakan na naman napunta iyang isip mo, Luna?” Napakislot si Luna nang maramdaman ang pagsiko sa kaniya ni Dani. Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop sa bayan nang hapon na iyon. Doon sila dumiretso pagkatapos ng klase nila. She was thinking about how Ryu was doing and if he had started to recover. Sa loob ng isang linggo ay hindi pa siya nakatatanggap ng balita mula kay Iris Donovan tungkol sa lagay ni Ryu. Hindi rin niya ma-contact sina Marco at Grand upang pagtanungan. They were the only ones she could call dahil ang mga ito lang ang may number siya. Ang huling beses na nakausap niya si Marco ay noong hingan niya ito ng tulong para sa psychological assistance and rehabilitation para sa mga estudyante ng CSC. Dalawang buwan makalipas ang ginawa niyang iyon sa harap ng

