15

2523 Words

Stay away "Good Morning, La!" Bati ko kay Lola nang madatnan ko siya rito sa gulayan na nagkakape. Nagulat ito.  "Mukhang ang aga aga mo naman ata, Aly?"  "Maaga naman talaga ako ah?" Hinubad ko ang suot na itim na flannel na tumatakip sa suot kong puting croptop at itinali ito sa beywang. Bigay ito sa akin ni Autumn. Napapansin niya kasing mahilig ako sa mga puting damit.  "Oo, alam kong maaga ka pero sobrang aga mo ata?" Bumagsak ang tingin ni Lola sa tiyan ko. "Ano ba iyang suot mong damit Aly? Parang kinulang sa tela." Ngumiwi siya. "La, alam mo namang dumami na ang costumer natin kaya mas inagahan ko na ang pagpunta rito. 'Tsaka itong tawag sa suot ko ay croptop, sayang naman kung hindi ko susuotin. 'Tsaka may nakatali namang longsleeve na flannel sa beywang ko kaya okay na ito."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD