CHAPTER 1 -- PANIMULA

720 Words
Sa kadiliman ng gabi, sa isang malayong probinsya ng Marinduque na kasalukuyang sinasalanta ng mapaminsalang bagyo ay may isang babaeng namimilipit sa sakit ng tyan dahil sa nalalapit na panganganak. Si Tinay ay isang disgraciada, biktima ng kahalayan at pang aabuso ng kanyang dating amo sa Maynila. Sa masungit na panahon at maingay na huni ng mga palaka sa palayan ang hangin ay tila sumisipol sa lakas at unti-unting sinisira nag mga bubong ng kabahayan na tila mga papel na kinukuyumos lang. Pasado ala-una na ng madaling araw nang Desyembre 15, 1992, ipinangak ang isang batang lalaki na pinangalanan na Florence Del Villa (a.k.a. Rence). Di alintana ni Tinay ang bagyo dahil ang ini-isip niya ay kung pano niya itataguyod ang pang araw-araw na buhay nila ng kanyang sanggol. Tangging paglalaba, pag-aani ng palay at pag lilinis ng mga bahay ang kanyang kabuhayan at swerte na kapg di siya nababakante sa loob ng isang araw. Makalipas ang labing isang taon ay naging tahimik naman ang pamumuhay ng mag-ina at nakakaraos naman sa pang araw araw na buhay. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, at isang araw sinugod sa ospital si Tinay dahil sa pananakit ng tiyan. Matapos ang ilang araw na pamamalagi sa ospital lumabas ang mga resulta ng pagsusuri at napag alaman na may cancer pala sa bituka sa Tinay at matagal na niya pa lang iniinda ang sakit dahil ayaw niya na maging pabigat sa anak. Habang tulog na nagbabantay sa ospital ang batang si Rence ay biglang pumasok ang isang lalaki na at siya ay nagising sa haplos nito sa kanyang buhok at sinabing kapatid niya si Tinay. GREGOR / aka. EGOY's POV (panganay na Step Brother ni Tinay) Napadaan ako sa Bayan ng Santa Cruz, upang dalawin at kumustahin sana ang aking kapatid na si Tinay, ngunit napag alaman ko na sinugod pala ito sa ospital dahil sa malubhang sakit. Pagpasok ko ng kwarto na pinagkakalagyan ng kapatid ko ay naabutan ko ang isang batang natutulog sa tabi ni Tinay, nagtaka ako dahil ang alam ko ay walang anak ang bunso ko dahil wala nmn itong asawa. Napatitig ako sa batang natutulog na napaka amo ng itsura, parang babae ang kutis, malantik ang pilik, napaka kinis ng balat at napakapula ng labi. Bagaman halata sa mukha niya ang lungkot eh di maiitagong napaka gwapong bata. Nakadama ako ng awa para sa kanya dahil matagal na siguro silang namumuhay ng sila lng ng kanyang ina. May kapayatan ang bata at mukhang puyat na puyat na pagbabantay sa kanyang ina. Bahagya kong hinawakan ang buhok niya na naging dahilan para siya ay magising at bahagyang nagulat sa pagkakita sa kanya. Rence: sino po kayo? bakit nandito po kayo sa silid ni nanay? Magkasunod na tanong ko sa lalaking nasa tabi ko. Egoy: Dinadalaw ang kapatid ko na si Tinay, anak ka ba ng kapatid ko? Balik tanong ko sa bata. Rence: Opo, nanay ko po siya at malubha po ang kalagayan ng nanay ko. Malungkot na turan ni rence na bahagyang nakayuko ang ulo. Egoy: wag ka mag alala rence gagaling din ang nanay mo, ipagdasal natin ang mabilisan na pagbuti ng katawan. Sabi ko sa bata at hinimas ko ang kanyang likod para pagaanin ang loob niya kht papano. Rence: Salamat po Tito Egoy mabuti po at napadalaw kayo, natatakot po ako mag isa dito, hindi ko rin po pwde iwanan mag isa ang nanay dito, baka kasi gumising siya na wala ako sa tabi niya. Dama ko ang bigat na nararamdaman ni Rence ng mga oras na iyon. Nagpa alam muna ako para bilhan siya ng pagkain at iba pang kailangan niya dahil halatang wala pang kain ang bata. Sumapit ang araw na kinatatakutan ni Rence, ang pag iwan na ng kanyang ina, hindi na kayang gamutin pa ang sakit ni Tinay dahil ito ay kumalat na sa buong sikmura at nadamay na din ang ibang mga internal organs na lalong nagpabilis ng pag bawi sa buhay niya. Natapos na ang araw ng paghihirap ng kanyang ina, nailagak na rin ang labi niya sa libingan sa kabayanan at tanging lungkot at pangungulila na lng ang nadarama ng batang ulila. Si Rence ay kailangan ng sumama sa kanyang Tito Egoy sa Quezon Province bayan ng Tagkawayan at doon na maninirahan. Salamat po sa mga nagbasa. by Cyperus rotundus
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD