Kabanata 5
Caliyah's Point Of View
“Hmm” kinusot ko ang mata ko saka dahan-dahang iminulat ito.
Napangiwi ako nang makaramdam ako ng pagkalam ng sikmura at medyo masakit ang balat ko sa may dibdib na para itong kinagat at pinanggigilan. May kaonting kirot din sa aking kaselanan at mabigat ang aking pakiramdam. Lumunok ako. Nanunuyo ang aking lalamunan.
K-Knight!
Mabilis akong napabangon at halos sumabog ang ulo ko dahil bigla itong nauntog sa isang matigas na bagay. Omg! Kagabi! Anong nangyari kagabi? Pinakiramdaman ko ang sarili ko, base sa mga nababasa ko dati masakit daw ito pag first time. M-Masakit sya pero hindi naman gaano.
“Pagkatapos mo kong bitinin nagawa mo pang bungguin ang dibdib ko!” umawang ang labi ko at unti-unti akong napatingin sa nagsalita.
K-Knight. Lumunok ako muli. Nanlaki lalo ang mga mata ko nang salubungin nya ako ng nanlilisik na mga mata at nagbabagang tingin. A-Anong ginawa ko? Napatingin ako sa katawan ko, wala akong suot na damit pero nakabalot sa makapal na kumot ang katawan ko. Napangiwi ako nang mapansin ko ang mapulang balat sa dibdib ko na parang kinagat. Gosh!
“A-Anong...nangyari?” kagat labing tanong ko dahilan para mas sumama ang tingin nya sakin.
Galit sya! Uwaaahhhh baka sipsipin nya ang dugo ko tapos itapon nalang ako sa kagubatan! Huhu. Ano bang gagawin ko? Tatakbo na ba ako? Pero hubad ako!
“Seriously? Are you stupid?! You fuckin' fell asleep even before i get you! Argh! You dared to lose your consciousness and left me hanging with a f*****g hard on!” literal na nalaglag ang panga ko at hindi nakapagsalita habang nakatitig sa kanya.
Galit na galit ang mga mata nya. Nakayuko sya sa akin at halos magkalapit na ang aming mukha. Nakadamit sya ng maayos at ang kamay nya ay nakakuyom. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko. Ganito ba talaga ang lalaki kapag nabibitin? Nakakatakot sya! Idagdag pang isa syang bampira at kahit anong oras ay pwede nya akong patayin lalo pa't wala akong laban.
“So—sorry!” naiiyak at utal na paghingi ko ng paumanhin.
Tumalim lalo ang tingin nya sakin saka umiling-iling at umatras. Nanatiling masama ang tingin nya sakin habang dahan-dahang umaatras patungo sa malaking pinto. Mariing kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Natatakot ako sa kanya. Pero mas masaya ako para sa sarili ko dahil hindi nya nakuha ang pinakaiingatan ko.
“Knight”
Marahas syang bumuntong-hininga. Tila kinakalma ang kanyang sarili at nagpipigil na saktan ako.
“Fix yourself. I'll wait for you outside” malamig na sambit nya saka tumalikod at tuluyang lumabas ng kwarto.
Naiwan akong hindi alam kung ngingiti o mas kakabahan. Tumingin ako sa kisame saka sa kabuohan ng kwarto. Ngayon ko lang napansin, ang ganda pala ng kwarto ni Knight. Panlalaking-panlalaki at kumakalat sa buong kwarto ang mabangong amoy ng air freshener.
“Hays! Mabuti nalang walang nangyari” mahinang bulong ko sa aking sarili saka dahan-dahang tumayo habang nakabalot sa kumot ang katawan ko.
Napatingin ako sa paanan ko nang mapansin ko ang isang white dress at heels. Napangiti ako dahil doon, kahit papaano ay nararamdaman kong may nag-aalaga sakin dito. Hindi katulad sa apartment ko, palagi akong nag-iisa.
Mom, dad
Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko sila. Kumusta na kaya sila? Mas inuuna pa ba nila ang trabaho sa Hospital sa ibang bansa o hinahanap nila ako? Sana hinahanap nila at at mahanap nila ako. Gusto ko nang umalis dito. Kahit naman kasi nag-iisa ako palagi sa apartment ko ay masaya naman ako sa buhay ko.
Matapos kong magbihis ay mabilis kong sinuklay ang mahaba kong buhok. Hinipan ko ang bangs ko at inayos din iyon gamit ang aking mga daliri saka naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko iyon at agad na lumabas. Nakita ko si Knight na nakahalukipkip habang nakasandal sa wall hindi kalayuan sa kwartong pinanggalingan ko.
Saglit ko syang pinagmasdan. Ang gwapo nya, sobra! Napakagat ako ng ibabang labi nang maalala ko ang galit na galit na mukha nya kanina. Oo nga at hindi ko gusto ang naging kapalaran ko. Oo nga at hindi ko gustong makasal sa kanya. Hindi nya ako mahal at wala kaming nararamdaman para sa isa't-isa. Pero dahil kasal na kami ay alam ko naman na may karapatan sya sakin. May karapatan syang angkinin ako dahil legal ang naging kasal namin, pero kasi, hindi pa ako handa. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa kapalaran ko at natatakot ako lalo na't wala kaming nararamdaman para sa isa't-isa. Isa lamang akong kasangkapan para mabigyan sya ng anak at nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko ngayong nandito ako sa poder nya.
“Are you gonna stay there forever? Come on, i'm hungry” nabalik ako sa realidad nang mapansin nya ako.
Tumango lamang ako ng marahan saka naglakad palapit sa kanya. Suot ko ang white dress at heels na nakita ko sa kama kanina. Hanggang tuhod ang dress at mahaba ang fitted sleeves nito na umabot hanggang wrist ko
Nang tuluyan akong makalapit ay nagsimula na rin syang maglakad patungo sa staircase. Hindi sya umiimik. Ni hindi nya ko inalalayan kaya napayuko ako. Galit na galit sya. Sana lang hindi sya mapuno at bigla nalang sipsipin ang dugo ko.
“Hey bud, good morning. Sa 'yo rin magandang binibini” napatingin ako sa isang lalaking nagsalita.
Nasa puno sya ng hagdan at nagbow sya sa akin nang tuluyan kaming makababa ni Knight. Hindi ko sila kilala pero nakita ko sila kahapon nang ikasal kami ni Knight. Nagulat ako nang biglang batukan ni Dark ang lalaking nagsalita.
“Stop it, Strife! Asawa sya ng pinsan natin” saway ni Dark dito.
Pinsan pala sila nina Dark. Napatingin ako kay Knight na seryoso lamang ang mukha. Nakatingin sya sa kawalan pero bigla syang lumingon kaya agad akong umiwas ng tingin. Naiilang ako sa kanya. Nahihiya at natatakot sa kanyang presensya.
“Good morning, Caliyah” nakangiting bati sakin ni Dark. Inismiran ko sya dahil galit pa rin ako sa kanya sa panlilinlang nya sakin. Tumawa naman sya kaya tuluyan ko syang inirapan.
“Attitude” komento ng isa sa pinsan ni Knight.
Hindi ako umimik. Nanatili akong nakatayo at hindi tumitingin kay Knight. Kung pwede nga lang tumakbo ako palayo ay ginawa ko na.
“What are you doing here?” halos mangilabot ako sa malamig na tono ng pananalita ni Knight nang tanungin nito sina Dark.
Ramdam na ramdam ko ang inis sa tono ng pananalita nya. Batid kong dahil 'yon sa nangyari kagabi—i mean, walang nangyari kagabi kaya ganyan siguro sya.
“Oh! Mukhang hindi maganda ang umaga nya mga dude. Baka hindi pa nasiyahan sa magdamag, nabitin hahahaha”
Para akong tinakasan ng kaluluwa nang maramdaman ko ang biglang pagsabog sa galit ni Knight dahil sa pang-aasar ng isa pang lalaki. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at tinangkang umatras pero mahigpit na hinawakan nya ang kamay ko. Halos mapangiwi ako dahil sa higpit ng pagkakahawak nya pero natatakot akong magprotesta, baka bigla nalang nya akong ihagis kung saan.
“GET OUT OF HERE ASSHOLES!!!” napaigtad ako dahil sa malakas na sigaw ni Knight.
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. Nababalot sya ng itim na enerhiya na nagmumula sa kanyang katawan. Ang kanyang mata ay pulang-pula na tulad ng dugo at nakalabas ang mahahaba at matatalim nyang pangil. Nakakuyom ang kanyang kamao at nagtataas-baba ang kanyang dibdib dahil sa labis na galit na nararamdaman.
Naku patay!
“Tang'na, tol, bakit mo ginalit?”
“Hindi ako ah!”
“Ah uh! Bye, Caliyah! Alis na muna kami” napatingin ako kay Dark at sa mga kasama nya na kumaripas ng takbo.
When i say kumaripas, tumakbo lamang talaga palayo. Hindi nila ginamit ang kanilang speed ability dala na rin siguro ng takot kay Knight.
Lumunok ulit ako. Anong gagawin ko? Ayaw nyang bitawan ang kamay ko.
“f**k! Bitin? Bitin e hindi nga nakaisa manlang!” mariing bulong nya.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Bumalik sa alaala ko kung paano ako bumigay kagabi sa kabila ng aking pagtutol sa una. Bumalik ang pakiramdam ng kanyang mga labi at daliri sa aking balat. D-Damn! Nkakahiya!
“K-Knight..”
“WHAT?!”
Napalunok ako at bahagyang napaatras dahil sa pagsigaw nya sakin pero hindi ako nagpatinag. Kung hindi sya kakalma baka mapatay nya ako ng maaga.
“K-Knight kasi...”
Kumunot ang noo nya kaya humugot ako ng malalim na buntong-hininga. “P-Please...c-calm down!” mahina at masuyong sabi ko saka unti-unting hinawakan ang kamay nya na nakakuyom gamit ang isa pang kamay ko habang ang kamay kong pisil-pisil nya ay ginalaw-galaw ko, nangingimi na kasi.
Hinaplos ko ang kamay nya at pilit na ibinuka. Tumitig sya sakin dahil sa ginawa ko. Ang akala ko ay sisigawan nya kong muli pero hindi, dahan-dahan nyang ikinalma ang kanyang sarili kasabay ng unti-unting paglalaho ng itim na enerhiyang nakapalibot sa kanya. Umatras din ang kanyang pangil at bumalik sa normal ang kulay ng kanyang mata.
“Are you accepting me now?”
Napakurap-kurap ako, “E-Ewan ko”
Tumingin sya sa kamay kong nakahawak sa kamay nya saka bumuntong-hininga, “Let’s go” hinawakan nya ng maayos ang kamay ko at agad akong hinila paalis sa hagdanan na parang walang nangyari.
Umawang ang labi ko habang nagpapahila sa kanya. Ano 'yon? Ganoon nalang 'yon?
Nakarating kami sa hapagkainan, walang ibang tao—este bampira doon kaya naman napatalon ako nang biglang lumitaw sa gilid ng mahabang mesa ang isang lalaking at babaeng tagasilbi.
“Where are my parents?”
“Lumabas upang magpahangin, mahal na prinsepe”
Hindi na sumagot si Knight sa halip ay naupo sya sa hinugot na upuan ng lalaki saka ako hinila paupo sa kandungan nya. Napaigtad pa ako nang yakapin nya ang bewang ko mula sa likuran.
“H'wag kang iigtad ulit, baka dito kita pasukin” mariing banta nya saka inilagay sa tiyan ko ang kanyang kamay.
Suminghap ako at nanigas sa kanyang kandungan. Damn! Ang bastos bastos nya!
“A-Ang bastos mo” hindi ko napigilang maisatinig saka akmang tatayo nang nang bigla nyang tampalin ang gitna ng mga hita ko.
“KNIGHT!” napasigaw na ako sa gulat.
“What?” patay malisyang tanong nya
Suminghap ako at tiningnan ang tagasilbi na abala sa paghahanda ng pagkain namin, “U-Umayos ka nga! Iyang kamay mo kung ano-ano ang ginagawa”
“Hmm. Tulad nito?” saka tumaas ang kamay nya at biglang pinisil ang kaliwang dibdib ko.
Sa gulat ay pinalo ko ang kamay nya pero naalis na 'yon kaagad kaya dibdib ko ang tinamaan. Naiiyak na natahimik nalang ako habang tumatawa sya ng mahina at hinahalik-halikan ang batok ko. Oh my gosh! Lord, tulungan nyo po ako, ang bastos po ng bampira na 'to!
“Binitin mo ako, Caliyah. I was planning to eat you but—Hey!”
Sa sobrang kahihiyan sa tagasilbi ay bahagya akong pumihit at isiniksik sa leeg nya ang mukha ko. Kahit nahihirapan ako sa pwesto ko ay hindi ko 'yon ininda. Hiyang-hiya ako sa mga pinagsasasabi nya. Kung pwede nga lang suntukin ang bampirang 'to ay ginawa ko na kanina pa.
“You want to make love?”
“Heh! Ayoko! Hinding-hindi mangyayari 'yon! Itaga mo pa sa makasalanan mong kamay at imoral na bunganga!”
Muli syang tumawa at biglang lumabas ang pangil. Natigilan ako at napalunok. Plano ko na sanang tumayo at tumakbo palayo pero naging maagap sya, nayakap nya ang bewang ko at pinasadaan nya ng kanyang pangil ang leeg ko.
“I will f**k you, Caliyah, tonight”
Lumunok ako at nawalan ng sasabihin. Ang tono ng boses nya ay siguradong-sigurado at sa paraan ng pagkakasabi nya noon ay para bang hindi na ako makakawala pa, sa kanya, hanggang gusto nya.
“H-Hindi ako papayag”
“Really? But I'll make you beg for more, trust me, you'll beg, Caliyah”
No! Hindi ako papayag sa gusto nya. Hindi nya ako magiging alipin sa makamundong pagnanasa. Hindi ko sya hahayaan. Hangga't kaya ko, tututol ako sa gusto nya. Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang mga plano nya laban sa akin. Ayokong maanakan ng isang bampira. Hindi ako mag-aanak ng isang bampira.
TO BE CONTINUED...