Kabanata 36 Third Person's Point Of View Bumalik si Dark na tulala habang punong-puno ng dugo ang damit. Gulat na mukha ni nanay Fely ang sumalubong sa tulalang bampira. Agad na nagtanong ang matanda ngunit hindi sumagot ang binata, sa halip ay nilapitan nito ang walang buhay na katawan ni Caliyah saka mahigpit na hinawakan ang kamay nito. Nakita ng batang bampira na si Light ang paghawak ni Dark sa kamay ng kanyang ina, sasawayin sana nya ang tiyo ngunit nakita nyang yumuko ito habang umiiyak kaya agad na natigilan ang bata. Ito ang unang beses na nakita nyang ganito ang tito Dark nya. Kahit inaaway nya ito palagi ay mahal nya ito dahil inaalagaan sya nito at minamahal, kaya hindi sya masaya na nakikitang ganito ang kanyang tito Dark. "C-Caliyah...hindi ko nailigtas ang mommy mo. Pata

