Kabanata 18 Third Person's Point Of View "Ano bang ginawa mo, Jai? Dalawang beses ka nang nabugbog ni Knight ah" frustrated na ginulo ni Dark ang buhok nya habang sinesermunan si Jairus na nakaupo sa couch. Nasa mansion sila nina Kairon at isinama nila si Jairus dahil baka ituloy pa ng dalawang pinsan nila ang naudlot na pagpapatayan ng dalawa. Tinawagan na rin nila sina Strife at Drake. "Oh anong nangyari?" Tanong ni Strife na bagong dating. Itinuro ni Kairon si Jairus na parang walang pakialam sa paligid. "Iyan! May ginawang kalokohan, nabugbog tuloy ni Knight" sumbong ni Kairon. Nakaupo silang lahat habang nakatingin kay Jairus na tahimik lamang. Relax na relax na para bang walang ginawang kalokohan. "Anong ginawa mo dude?" tanong ni Strife. Umismid si Jairus pero agad din

