Kabanata 12 Caliyah's Point of View Natulala ako sa magandang falls na bumungad sakin matapos hawiin ni Jairus ang kumpol ng mga dahon ng halaman. Parang na love at first sight ako sa bumabagsak na tubig mula sa mataas na tipak ng napakalaking bato. Umawang ang labi ko at parang gusto kong dito nalang tumira, sa mismong lugar kung saan nakikita ko ang falls. “Like it?” Lumingon ako kay Jairus at ngumiti, “I love it, Jai. Thank you” Nagkibit balikat sya saka hinawakan ang siko ko, “Gusto mong maligo?” Parang nagningning ang mga mata ko sa sinabi nya. Mabilis akong tumango, “Gusto ko, Jai!” “E ano pang hinihintay mo? Tara na!” Tumakbo ako palapit sa falls. Tumalon ako sa tubig at hindi na nag-abala pang maghubad ng damit. “WAAHHHH! LIGO KA DIN, JAIRUS!” Ngumiti sya sakin saka naghu

