Kabanata 6

793 Words

"GUSTO KONG makausap ang Mama mo, Corey. Nang sa gayon ay mapagusapan natin ng maayos ang kasal at nang makapagpamanhikan na kami." Ani Tito Manuel nang bumaba sila. Agad nitong pinatawag ang lahat ng anak kaya kompleto ang pamilyang Marquand. "H-ho? Kasal?!" Hindik na anas niya Ang Mama ni Johann ang sumagot. "Oo hija. Aba, dapat kang panagutan nitong panganay ko. Matagal na pala kayong may relasyon. Kung hindi lang namin kayo nahuli, hindi kayo aamin." "Tama ang Mama, Corey. Dapat kang panagutan ni Kuya Johann. Hindi kana iba saamin at hindi naman puwedeng ganoon ganoon na lang iyon. Ikaw ang babae," Singit ni Paul. Halos maiyak siya sa sinabi nito. Gusto niyang isigaw na ito lamang ang tinatanggi niya, na dito niya gustong magpakasal. "Sinabi mo pa anak, alam kong palikero itong Kuya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD