KINABUKASAN, nagpadischarge na siya sa Hospital. Naabutan niya sa lobby ng Hospital ang ina na umiiyak. Nang makita siya ay mahigpit siya nitong niyakap. "Salamat sa Diyos at ligtas ka, anak." Niyakap niya rin ito. "Ayos lang po ba talaga kayo?" Tumango ito. "Hindi ko alam saan tayo titira ngayon anak. Wala akong kapera pera." Hopeless nitong saad Napabuntong hininga siya. May pera naman siya. Kaso hindi iyon sasapat upang makapagrenta sila ng panibagong bahay at bumili ng kagamitan. Kasya lamang iyon sa panggastos nila sa pang araw araw. Hindi kaya ng ipon at kinikita niya sa Shoppe na bumili agad ng bahay at iba pang gamit. "May pera ho ako, pero hindi ho sapat iyon." Nasabi na lamang niya Humagulhol nanaman ito. "Paano na tayo nito anak," Bago pa siya makasagot ay dumating ang magas

