NAGISING si Corey nang tumama ang sikat ng araw sa bintana at tamaan siya sa mukha. Tinignan niya ang orasan na nasa dingding at natuptop niya ang noo nang malamang alas nuwebe na ng umaga. Madali siyang tumayo at pumuntang banyo. Malalate na siya sa shoppe nila, at nakakahiya kay Carly. May pagmamadali sa kilos niya. Kinuha niya ang dark navy blue jeans niya at sleeveless na itim. Ipapatong niya roon ang favorite yellow blazer niya. Nagayos lamang siya ng kaunti at sinukbit na ang bag sa braso. Pagkalabas, natanaw niya ang silid ni Johann na katapat lamang ng silid niya. Nagdadalawang isip kung gigisingin pa ba ito. Sigurado siyang tulog pa ito at mahimbing ang tulog. Ipinagpasya niyang huwag na lamang itong gisingin dahil bakit pa nga ba siya magpapaalam? At baka mainis lang ito sakani

