"TARA, gawin na natin 'yong project na pinapagawa ni Mrs. Santos." Ani Carly habang hinahatak siya papunta sa bahay nito. Dalawang buwan na silang nakatira ng Mommy niya sa lugar na iyon at masasabi niyang nakasanayan na niya. At masuwerte siya na magkaklase pa sila ni Carly, hindi tuloy siya nahirapan makisama sa mga kaklase niya.
Todo iling ang ginawa niya. "Huwag na. Sa amin na natin gawin." Namewang ito sa harapan niya. "Don't get me wrong bestie, huh? May computer ba kayo at printer? Kung mayroon, sige go tayo sainyo." Nakataas ang kilay na hamon nito sakanya. Madali niyang nakagaanan ng loob si Carly at sa maikling panahon, naging mag bestfriends na agad sila.
"Eh—" magrarason pa sana siya ngunit naunahan na siya nito. "See? Kaya tara na, ano bang kinakaganyan mo? Para namang impiyerno ang bahay namin na masusunog ka once na tumapak ka," nakaismid na sabi nito
Wala na siyang nagawa kundi magpahatak sa kaibigan. Hindi naman ito ang unang beses niyang nakapunta roon. Pero lagi niyang sinisigurado na wala roon ang taong iniiwasan niya. Agad niyang tinignan ang mga tsinelas na nakahanay sa lapag kung naroon ang may-ari ng tinutukoy niya.
Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Carly. "Hay naku, bestie. Kung ang pinagaalala mo ay kung narito si Kuya Johann, huwag kang mag-alala. Nasa bahay ng tropa niya, doon daw makikitulog ngayong gabi. Kaya ipayapa mo na ang kalooban mo at wala na rito ang mortal enemy mo."
Hindi na bago ang sinabi nito. Sa dalawang buwang paninirahan niya sa subdivision, alam na yata sa buong lugar nila na worst enemy niya ang nakakatandang kapatid nito na si Johann! Ang pinakabuwisit, mayabang at hambog na lalaking nakilala niya. Paanong hindi? Simula noong mahuli siya nito na lihim niyang tinignan ito sa likod ng puno, kinabukasan ay naging panauhin nila ito sa bahay. Nagpakilala sakaniyang ina na nais makipagkaibigan kuno sakaniya. At heto namang ina niya, naniwala sa matamis na dila ni Johann at inakalang totoo ang hangarin nito na maging kaibigan siya. Pero ang hindi alam ng ina, tuwing naiiwan silang dalawa ng lalaki ay pulos pangangantiyaw ang inabot niya rito. May lihim na gusto raw siya rito at huwag na raw niyang ipagkaila. Mayroon pang pangyayari na ipinagkalat ng damuho sa mga kapitbahay nila na gusto niya raw ito. Kaya naman tuwing lalabas siya ng apartment, tukso ang inaabot niya sa mga kapitbahay!
Tandang tanda niya pa ang sinabi nito sakaniya ilang linggo ang nakakalipas, “Alam kong malaki ang gusto mo saakin, Corey. Kaya hindi na kita papahirapan pa. Pero huwag muna sa ngayon, ha? Baka makasuhan akong child a***e. Saka na kapag naging eighteen kana,” Ngiting ngiti wika ni Johann nang makasabay niya ito bumili ng pandesal sa bakery.
Nagsalubong ang kilay niya. “Ano? Ang kapal naman ng mukha mo. In your dreams,” nagngingitngit na wika niya. Naiinis siya sa sarili na naguwapuhan siya rito sa unang pagkikita nila at tumahip ang dibdib niya ng mabilis pagkakita rito noon.
Inakbayan pa siya nito. “O, tignan niyo mga pards. Hanggang sa panaginip ako pa rin ang nasa isipan niya?”
Naghiyawan naman ang mga dakilang tambay doon. “Naks! May poreber!”
Dahilan iyon para maging isang kaaway ang tingin niya rito. Simula nang insidenteng iyon ay wala na silang engkuwentro na hindi siya nito inaasar o tinutukso. Pikon pa man din siya. Kaya kay laking ginhawa niya nang malamang wala rito ang lalaki. Magagawa na rin nila ang project nila ni Carly.
"Oo, mabuti naman at wala rito ang asungot na kapatid mo." Nakabusangot na aniya. Pumasok na sila sa loob at agad siyang umupo sa malambot na sofa. Mayaman ang pamilya nila Carly. Parehas Surgeon ang magulang nito at may negosyo na botika.
"Ito naman, bakit ba hate na hate mo si Kuya Johann? Aba, ikaw lang yata ang babae na naiinis sakanya?" Palatak ng kaibigan. Tumayo siya at iminuwestra pa kung bakit. "Ano? Tinatanong mo ako kung bakit naiinis ako sakanya? Napakabait kasi ng kapatid mo. Sobrang bait." Sarkastikong sabi niya
"Oo, mabait talaga si Kuya Johann kahit kanino." Inosenteng pagsangayon naman nito.
"Sa sobrang bait nga niya, ako lang ang ginaganito niya. Sa ibang babae, ang bait bait niya." Nanggigil na dagdag pa niya. Mahina itong napatawa. "Nagpapansin lang 'yon sayo."
Napapantastikuhang tinignan niya ang kaibigan. "Nagpapapansin? Baka nambubuwisit kamo! Huwag na nga natin pagusapan 'yang Kuya mo at nasisira ang araw ko,"
Napailing ito sakanya. "Pikon ka talaga! Kaya trip na trip ka asarin ni Kuya Johann." Akmang hahampasin niya ito sa braso nang umiwas ito at sumuko. "Hindi na, hindi na. Gawin na natin 'yong project."
"Very good, Carlito!" Bumusangot ang mukha nito nang banggatin ang tunay na pangalan, napahalakhak siya.
NAGISING siya nang may tumapik sa balikat niya. Sa gulat niya natabig niya ang kamay niyon at halos mahulog siya sa kinahihigaan. "Jesus! I didn't mean to scare you," Nagaalalang bulalas ni Paul na nakatunghay sakaniya
Agad na napalunok siya nang luminaw sa paningin niya ang itsura ng lalaki. Si Paul ang pangalawa sa magkakapatid na Marquand. Bunso si Carly at panganay naman si Johann. Lumikot ang mata niya at hinanap ang kaibigan. "Ah, p-pasensiya na. Hindi ko alam na nakatulog pala ako." Nahihiyang aniya sa binatilyo at inilagay pa ang ilang buhok sa likod ng tenga. Gosh! Ilang oras ba siyang nakatulog?
Natawa ito ng mahina, wala sa sariling napatingin siya rito. Napakaguwapo talaga nito. Matangkad, maputi at mestizo. Sa edad nitong kinse anyos ay isa na itong magandang lalaki. Sa pagkakaalam niya scholar ito sa university na pinapasukan nila. Malayong mslayo ang ugali nito sa Kuya Johann nito. Kaya naman noong araw na ipinagtanggol siya nito sa mga bully sa school nila ay naging crush na niya ito. Bakit hindi? He was her savior. Her knight in shining armor. Studious, mabait at hindi ito mapangasar. Magkatulad sila ni Paul kaya naman malakas ang loob niya na balang araw ay magkacrush din ito sakaniya.
At hindi niya iyon nilihim kay Carly. "Okay lang, mukhang napagod kayo ni Carly sa ginawa niyong project."
Nahihiyang tumango siya. "Sa isang linggo na kasi ang pasahan niyon kaya dapat matapos na namin," Ginulo nito ang buhok niya at tumango. "Pasensiya na rin kung nagising kita, narito na kasi sila Mama. Dito ka na raw magdinner," Anito
Lihim naman siyang kinilig dahil ito pa mismo ang gumising sakaniya. How thoughtful! "Tara na,"
"Sige, m-mauna kana, magbabanyo lang ako,"
"Okay, sumunod ka nalang kaagad." Nginitian siya nito ng pagkatamis tamis at tumalikod na. Nang mawala na ito sa paningin niya ay impit siyang napatili dahil sa pinipigil na kilig. Napapikit pikit pa siya. First time nitong ngumiti sakanya! Knowing Paul, mahirap bilhin ang ngiti nito. Napatalon pa siya at napasuntok sa hangin sa labis na kaligayahan.
Natigil lang siya sa ginagawa nang may pumalakpak mula sa likuran niya. Mabilis niyang nilingon kung sino iyon, and there she saw – Johann. Suot nito ang isang nakakalokong ngiti habang nakasandal sa dingding at matamang nakatingin sakanya. Nangilabot siya, "K-kanina ka pa ba riyan?" Kinakabahang tanong niya. Paano’ng naririto ito ngayon? Hindi ba’t sinabi ni Carly na hindi ito makakauwi ngayong araw?
"Sapat na para makita kitang halos maglupasay na sa sobrang kilig." Tinaasan niya ito ng kilay. "Correction, hindi ako kinikilig. Bakit naman ako kikiligin?" Patay malisyang sagot niya.
Napangisi ito. "Hindi ba? Kung gayon, bakit tumulo 'yang laway mo pagkaalis ni Paul?" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nakakahiya! Awtomatikong pinunasan niya ang paligid ng labi dala ng sinabi nito.
Sa buong gulat niya tumawa ito nang pagkalakas lakas, nagecho pa iyon sa maluwag na living room. "Naniwala ka talagang tumulo ang laway mo? So, inaamin mo ngang deds na deds ka sa utol ko?" Isinuksok nito ang kamay sa bulsa ng pantalon.
Naisahan siya nito! Umakyat kaagad ang dugo sa ulo niya sa sinabi nito. "Wala ka talagang magawang matino sa buhay mo, ano? Kaya pati akong nanahimik sa isang tabi, nagagawa mong asarin. At excuse me, hindi ako patay na patay sa kapatid mo, ‘no!" Mariing tanggi niya.
Umangat ang isang sulok ng labi nito. "Gusto mo lang siya." Hindi iyon isang tanong. Namula ang magkabilang bahagi ng pisngi niya. "P-puwede ba, tigilan mo ako, kung ayaw mo samain saakin." Pambabanta na niya
Akmang hahakbang na siya paalis ngunit hinarangan nito ang daanan. "Pero gusto mo nga si Paul." Pilit na giit nito
Naiinis na nagangat siya ng tingin. "Ano bang trip mo sa buhay, Johann? Ano bang mapapala mo sa isasagot ko sa'yo?" Naiinis na aniya
"Madali lang naman akong kausap. Puwede kong sabihin kay Paul na crush mo siya—" napasinghap siya sa sinabi nito. "Hindi mo gagawin 'yan!"
"Then answer me," paos na ang tono nito.
Huminga siya nang malalim. Si Johann ang tipo ng tao na hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto nito. Tutal ano nga naman kung malaman man nito na crush niya ang kapatid nitong si Paul? Mas mabuti nga iyon, malay niya kung mutual pala ang feelings nila ni Paul? Matapang na hinarap niya ito. "Oo, crush ko siya. Are you happy now?" Sarkastikong sabi niya at aalis na sana ngunit maagap siya nitong nahawakan sa braso.
Ilang minuto itong nakatingin lang sakaniya. "Paraanin mo na ako, puwede?" Tila natauhan naman ito at binitiwan nga siya. "Hindi mo puwedeng magustuhan ang kapatid ko, Corey." Bago iyon sa pandinig niya. Kailanman hindi siya nito tinawag sa pangalan niya, pulos mga bansag na pangaasar kasi ang tinatawag nito sakanya.
"At bakit?" Mataray niyang tanong at naghalukipkip pa. Ngunit seryoso ang anyo nito ngayon. "Dahil hindi kita gusto para sa kapatid ko, at kailanman hindi ka nababagay sakanya." Tila granadang sumabog iyon sa pandinig niya. Nilagpasan siya nito ng parang hangin.