NAPAGPASYAHAN ni Corey na dalawin ang mama niya. Matagal tagal na rin simula nang makausap at makita niya ng personal ito. Nabungaran niya pa si Tito Manuel at ang esposa nito sa terasa. Nagulat ang mga ito nang makita siya. "Corey, hija! Bakit hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka rito? Disin sana'y nagpahanda kami." Nagbeso beso sila ng ginang. Nagmano naman siya sa asawa nito. "Naku, ayos lang po Mama. Saglit lang naman ho ako," Nakangiting sabi niya "Kamusta ang buhay pagaasawa? Hindi ka ba pinapabayaan ni Johann?" Umiling siya. "Hindi po, Papa. Inaalagaan ho ako ng anak niyo." "O siya, mabuti kung ganoon. Kung hinahanap mo ang Mama mo, naroon siya sa bahay niya. Noong isang linggo pa umalis dito ang Mama mo." Nagsalubong ang kilay niya. "Huh? Umalis po siya? Saan naman po si

