CHAPTER THIRTY EIGHT [ NATE POV ] " Natatakot ka ba sa akin, Nicky? " kitang kita ko ang panginginig ng kanyang dalawang kamay na nakalagay lang sa ibabaw ng kanyang hita, hindi rin siya makatingin sa akin ng diretso at kanina ko pa napapansin ang pamumula ng kanyang magkabilang pisngi. Mas lalo tuloy siyang naging maganda sa aking paningin. Gusto kong mapakamot sa aking ulo dahil chance na nga naming dalawa ito dahil solo namin ang bahay.. Dito ko kasi siya dinala sa bahay namin sa New York City. Mabuti na lamang at pumayag si Tito Leonard na pasamahin sa akin itong si Nicky para makapag usap kami.. Saka miss na miss ko na rin kasi siya.. Ngayon lang ako makakabawi ng todo sa kanya. Kaya lang sa nakikita ko kinakabahan siya ng husto, kahit ako din naman dahil ito ang unang pagkakataon

