PAGKARATING KO sa condo ay agad na akong nagtungo sa kuwarto at humilata. Sobra na ang pagod ko sa biyahe dahil inabutan kami ng rush hour sa kalsada. Ang haba na ng panahon ang lumipas pero ang kalsada ng Pilipinas hindi pa rin nagbago. Sobrang traffic pa rin. Ni hindi ko na rin napagtuunann ng pansin ang itsura ng condo. Na isip ko na bukas ko na iikutin at aayusin ang mga gamit ko dahil wala na talaga akong lakas para bumangon at gumalaw. This is the first time na mabubuhay ako ng mag-isa, malayo sa mga magulang, at walang mga katulong. I hope I could live my life to their expectation. Tuluyan na nga akong nilamon ng antok makalipas lang ang ilang saglit. I dreamt about the new life I would be having here in the Philippines. I feel contented and happy together with my new friends in

