Trisha's POV "Trisha Francisco, I need you here in front to demonstrate." "W-What? Bakit ako?" gulat na tanong ko kay sir Maxx na ngayon ay nakangise na sa akin. "Why Ms. Francisco? Porque ba may nagmamayari na sayo exempted ka na sa mga activities?" naguguluhan akong napatitig kay sir dahil hindi ko makuha ang ipinupunto niya. Nagsimulang umingay ang buong klase, nagbulungan ang iba habang nakatingin sa akin. "H-Hindi naman sa ganon sir per-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng muli siyang nagsalita. "So totoo nga, may nagmamayari na sayo?" nakataas pa ang kaniyang kaliwang kilay na tila sigurado siya sa kaniyang mga sinasabi. Napapalunok nalang ako ng laway sa sobrang kaba. "Sabi na nga ba malandi rin yan eh." agad na nabaling ang atensiyon ko sa classmate naming si Mica. N

