BIANCA'S POINT OF VIEW BIANCA'S POINT OF VIEW Kami ay kasaluluyang nababalot ng katahimikan. Walang kibo sa isa't-isa. Ako? Heto inaaliw ang sarili sa pagtitirintas ng sarili kong buhok. Pamatay oras lang at pampalimot sa awkwardness na nararamdaman ko. Naisip kong gumawa ng paraan upang mawaglit sa isipan ko 'yung kahihiyang ginawa ko. Hindi ko pa rin iyon makalimutan. Kaya, naisipan ko na lamang na itirintas ang buhok ko. Si Sebastian ay nanghihinang pinagmamasdan ang anak niyang si Angel na ngayon ay mahimbing na natutulog sa sofa. Si Shang ay nagpapahinga sa balikat ni Jane, samantalang si Jane ay natutulog din. Si Marvin ay nagmumuni-muni lamang sa gilid. Si Marco ay nakaupo sa tabi ko... walang kibo. Kanina pa siya nakadikit sa akin. At si Winston? Ayaw kong lumingon sa kaniya.

