BIANCA'S POINT OF VIEW BIANCA'S POINT OF VIEW Ilang minuto na kaming nakatunganga rito sa Trio's area. Si Angel ay nahimatay kakahagulgol. Mas mabuti na rin iyon upang walang maingay dito. Maayos naman daw ang kalagayan ni Angel sabi ni Shang. Normal na raw sa kaniya ang mahimatay dahil sa stress niya dala ng disorder niya. Mamaya't magigising na rin siya. Si Sebastian naman ay tahimik lang, binabantayan ang anak niya. Halata namang natatakot siya kay Marco eh. Kung makikita niyo lang ang hitsura niya, masasabi niyo na para siyang takot na tuta. Takot siyang gumawa ng gulo kahit na nangangati na ang kaniyang kamao na masuntok ang pagmumukha ni Winston. Anyway, alam niyo ba, mabuti ang naidulot no'ng pagyakap sa akin ni Marco. Tinukso niya ako kanina, sabi niya minamahal ko na raw si

