BIANCA'S POINT OF VIEW "Naayos na ba ang birth certificate ko?" tanong ko kay Marco nakakapasok lang sa silid. Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula no'ng huling higanti ko sa magjowang Winston at Angel. Hinayaan ko muna sila dahil medyo sumasama ang pakiramdam ko. Sabi ng mga doctor ay hindi raw makakabuti sa akin ang palaging stress at umiiyak. Nakakapagpabagal daw iyon sa paggaling ko. Kaya naman huminto muna kami sa paghihiganti at pinagtuunan ng atensyon ang sarili ko. Sa ilang linggo ay malaki na rin ang improvement ko. Hindi na ako nakabandahe ngunit may kaunting bakas ng tahi pa rin akong nakikita sa noo ko. Sabi ng doctor ay ilang araw na lang daw ang itatagal nito, mawawala na rin daw at hindi ito magkakaroon ng peklat dahil may gamot sila na ilalagay. "Yup, it's here." p

