Hindi ko maipaliwanag sa panaginip ko kung bakit ganito kaganda ang tulog ko ngayon, in a way that I hoped to sleep again like this. Tulog ako pero ramdam ko ang katahimikan ng paligid na para bang sobrang payapa at kalmado, at kaya kong magpahinga nang ganito sa buong maghapon. Ramdam ko ang lamig na dumadampi sa aking pisngi. The scent of nature filled the air and brushed against my senses. Mayroong marahan at mahinang tugtugin mula sa radyo. Noong dahan-dahan akong nagmulat ay nakita ko ang marahang liwanag ng umaga. Malamig ang panahon. Napagtanto kong ang naaamoy na sariwang hangin at halimuyak ng paligid ay galing sa nakabukas na bintana, at dahil na rin nasa sala ako kaya mas lalong nalalanghap ang hangin sa labas. Pumikit ulit ako at gumalaw nang kaunti. Naramdaman ko ang s

