Pumasok ako sa loob ng hospital room at sumunod sa nurse. Nilibot ko pa ang tingin ko at agad ding napunta sa lalaking ngayon ay nakasandal sa headboard ng hospital bed. Kasalukuyan pa rin siyang tinitingnan. “Kayo ba ang guardian? Kaano-ano n’yo po ang pasyente?” tanong sa akin ng doktor at may hawak nang chart. Doon pa lang, hindi na agad ako nakasagot. Napatingin ako sa babaeng nurse, kinakausap ang lalaking ginagamot na ngayon ay mukhang napainom na ng makakapagpaalis ng sakit sa kaniyang ulo. Nakalabas ang kaniyang braso dahil sa sugat doon at ginagamot. Wala sa sarili akong nagsalita at bigla na lang ding sumagot. “Uhm, pinsan ko po siya…” sagot ko at binalik ang tingin sa doktor. Naramdaman ko ang isang tingin na tumuon sa akin, ngunit nanatili sa doktor ang mga mata ko

