50th Sale [Sydney’s POV] “So, our winner is already here...” wika ni papa kaya sabay sabay na nagtinginan sa akin sina mama, Ate Lorraine at Ate Kath. Malaki ang ngiti nilang ibinigay sa akin at sinuklian ko din sila ng isang napakatamis na ngiti. Ang makitang buo ang pamilya ko sa hapagkainan ay isang napakalaking regalo na ibinigay sa akin ni GOD. He really loves US. “Si Dave na lang pala ang hinihintay natin.” Sabi ni Ate Lorraine saka ibinalik ang tingin sa cellphone nya. maybe she’s texting her ex boyfriend / ex bestfriend again. Nakauwi na kasi ito galing ibang bansa at nagbabakasyon ngayon dito sa Pilipinas for one month. Nung isang araw nga ay pumunta yun dito at kinamusta kaming lahat, kahit alam naming si Ate Lorraine lang naman ang ipinunta nya. Well, wala namang pro

