48th Sale [Sydney’s POV] Hindi ko alam kung anong magiging desisyon ni Hunter sa huli. Umalis lang sya ng nakayuko kahapon at iniwanan ako sa kinatatayuan ko. Siguro nga ay talagang nahulog sya sa’kin, pero wala na kong magagawa tungkol dun. Madaming tao sa mundo, wa’g tayong dumepende sa isang tao. “Kinausap mo na naman sya?” Inis ang tono ni Dave nang pumasok sya sa kwarto ko. “Oo. Nag-usap lang kami, wa’g kang mag isip ng kung ano ano dyan.” Hindi na talaga siguro mawawala ang pagiging hard ni Dave kay Hunter. Gusto kong pag-ayusin sila, pero sila na dapat ang umayos nun. Trabaho nila yun bilang mga lalaki. Kasi, ang tunay na lalaki, hindi lang boxer short ang kayang ibaba kundi pati na rin ang pride. “Yeah, close na close ka talaga sa kanya e. Ba’t di mo mag

