37th Sale [Sydney’s POV] “Sorry na sa nangyari kahapon. Hindi ko naman planong masaktan ka, e.” Hanggang ngayon ay nagso-sorry pa sa’kin si Dave dahil sa nakameet nya kahapong si Natalie, ang babaeng makati. Tsaka ano yang sinasabi nya? Wala syang planong saktan ako? Wala syang plano pero nagawa nya. “Okay. Don’t ruin my vacation. Kung gusto mong makipag-usap sa ibang babae, dun sa hindi kita nakikita.” “Sydney naman...” Halatang halata ang dalawang eyebags sa mga mata ni Dave ngayon at para bang hindi nakatulog kagabi. Ang sabi nya, hindi sya mapakali na may alitan kami kaya hindi sya nakatulog. “Pabor na sa’yo yung hinihingi ko. Pwede kang mambabae, pero hindi ko dapat kayo nakikita. Hindi mo ba nakukuha? Mae-enjoy mo to ngayon.” “Hindi naman ako mage-enjo

