LEAH POV Masayang naglalaro si Patrick at Andrew habang nag aayos ako ng aming mga gamit .Mabuti naman at nakuha niya ulit ang loob ng bata.Hindi na takot si Andrew sa kanya . Alas syete na kaya naghapunan muna kaming tatlo at pagkatapos ay pinaluguan at binihisan ko na si Andrew .Antok na siya at halatang pagod sa kakalaro kanina kaya maaga siyang nakatulog. " Hmm gabi na pala Patrick puwede mo na kaming iwan dito para makapagpahinga ka na rin sa inyo “ sabi ko kay Patrick na nakaupo sa couch ngayon at halatang pagod na rin . “ No .dito ako matutulog Leah “ . sagot niya “ Ano? “ napataas ang aking boses . " Ang lakas ng boses mo baka magising si Andrew" saway niya kaya hininaan ko na ito " Bakit ?. Hindi puwedeng dito ka matutulog" .pabulong kong sabi . " Bakit hindi puwede eh c

