Episode 6

1367 Words
-Patrick POV- Narinig ko pa ang tawanan ni Emman at Leah kanina .Mukhang sobrang close nilang dalawa.Nakita ko rin ang panay pacute nila sa isat isa.Mabuti nalang at hindi na siya nagtagal pa at nagpaalam na rin at baka ano pa ang nagawa ko . "Leah!!" tinawag ko na siya Mabilis siyang pumasok "Sir ?" "Natapos mo na ba ang pinagawa ko sayo?" "Ay malapit na matapos sir" "Kanina ko pa yon pinagawa sayo hindi pa tapos?" " Marami kasi akong nireplyang email kanina sir at tsaka kinausap pa kasi ako ng pinsan mo " pagdadahilan niya. "Diba ang sabi ko sayo ayaw ko na hinahaluan ng landi ang trabaho"! ? galit na sumbat ko "Sir kaibigan ko lang naman si Emman at pinsan mo rin siya at tsaka baka tawagin pa akong bastos paghindi ko siya pinansin. nag usap lang naman kami ,siguro wala namang masama don". "Kaibigan ? Eh halatang nagpapansin ka sa kanya eh, panay lang pacute mo " . "Sir hindi ko naman kasalanan na cute ako nuh" at nagbeautiful eyes pa sa harap ko "Siya ba ang tinutukoy mong Emman?" napatakip siya sa bibig niya "Hala nasabi ko nga pala sayo , sir atin atin lang yon ha , please wag mong sabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya Please? " "Paano kung liligawan ka niya sasagutin mo ba sya? " tanong ko . "Aba siyempre " .mabilis niyang sagot "Ano?No!! Hindi puwede! " napataas ang boses ko at nakita ko ang pagkagulat niya . "I mean hindi puwede na ang sekretarya ko ay girlfriend ng pinsan ko , ayaw ko!! " paliwanag ko "Kung sakali man maging kami edi magreresign ako " . " Bago ka magresign siguraduhin mo munang bayad ka na sa utang mo Leah!" . tanging nasabi ko "Hahahaahahahah si sir naman napakaseryoso " .napatawa siya "Imposible naman na magkagusto ang pinsan mo sa akin , hindi mangyayari yon sir.Hanggang pangarap ko lang siya .Magkaiba kami langit siya at lupa ako kaya ang layo ng pagitan naming dalawa.Maraming babae ang mas nakakabagay sa kanya sir ." bigla nalungkot ang mukha niya "Ang totoo gusto ka rin ng pinsan ko Leah , matagal na . " naibulong ko sa sarili. "Natahimik ka dyan sir?" tanong niya Hindi ko na siya sinagot .Nagpaalam nalang siya at bumalik na sa mesa niya -Leah POV- Maaga ako nagising kahit wala akong pasok ngayong araw .Bibisitahin raw ako rito ni Hannah kaya maaga akong naglinis ng kwarto.Kakahiya naman kasi ang daming kalat . Naglaba narin ako ng mga damit at pagkatapos ay naligo narin at tsaka nag almusal . Narinig kong may huminto na sasakyan sa labas kaya sumilip ako sa bintana. Si Hannah nga ang dumating .May kasama siyang isang lalaki .Laking gulat ko nang mamukhaan ko ang lalaki .Si Ethan ang kasama niya ?! Bakit magkasama sila ? Sila na kaya? Dali dali akong lumabas ng bahay . "Leah!!" tawag ni Hannah Binuksan ako ang gate para makapasok sila . " Han !!" sambit ko at niyakap ko siya ng mahigpit .Namiss ko ang bestfriend ko . "Ay siya nga pala Leah kasama ko pala si Ethan " " Hi ethan" nginitian ko siya Ngumiti rin si Ethan sa akin. Pumasok na kami sa loob ni Hannah ,iniwan na namin si Ethan sa labas doon lang daw siya maghihintay at magyoyosi pa siya . "Hann ano ang ibig sabihin nito? May ipagtatapat ka ba sa akin?" " Bakit kasama mo si Ethan?" "Kayo na ba? " sunod sunod na tanong ko "Hindi ko alam ." tipid niyang sagot "Ano? hindi ko gets , ano ang ibig mong sabihin?" "Hindi ko alam kung mahal niya rin ako pero mahal na mahal ko siya leng" . "Eh bakit kayo magkasama ngayon?" pagtataka ko. "Sa bar niya kasi ako nagtatrabaho" . "Ano?!!! " napataas ang boses ko "Wait wait waitress lang ako don" . "Doon ako nag apply para makita ko si Ethan araw araw." dagdag pa niya "Baka mapahamak ka don Han, alam naman natin bar yan maraming lasing at karamihan sa mga lalaking pumupunta ay naghahanap ng babaeng maikama ." " para lang ako kay ethan leng hindi na ako makuha pa ng iba pumayag akong maging s*x slave niya leng" . "Ano!!!" napataas ulit ang boses ko Hindi ako makapaniwala na magawa yon ni Hannah dahil lang sa pagmamahal niya kay Ethan pumayag siyang maging s*x slave nito. Ngayon ko lang din nalaman na si Ethan Luxe pala ang nakakuha ng kanyang virginity kahit na marami siyang lalaki noong college pa kami.Naawa ako sa kanya , alam kong masasaktan lang siya sa piling ni Ethan. -Patrick POV- Linggo, walang pasok ngayon sa opisina. Mag isa lang ako dito sa bahay kaya napagdesisyonan kong puntahan si Leah . Namiss ko siya . Dumaan ako sa isang restaurant at nagtake out ng pagkain para ipasalubong sa kanya. Kailangan kong gumawa na ng moves at baka maunahan pa ako ni Emman. Akin lang si Leah. Akin lang. Malayo pa ako sa lumang bahay na kanyang inuupahan pero nakita ko na ang nakaparadang mamahaling sasakyan na tanging mga sobrang mayayaman lang ang may kayang bumili.Hindi kaya pagmamay ari rin ng lalaking pumunta rito nakaraan? Nang makalapit na ay laking gulat ko nang makita ko si Ethan Luxe Gomez, ang bestfriend kong may ari ng isang sikat na bar dito sa Maynila .Nakaupo siya sa bench sa ilalim ng puno malapit sa gate ng bahay. Hindi niya napansin ang pagdaan ng kotse ko dahil abala siya sa kanyang cellphone habang nagyoyosi. Pinark ko ang sasakyan dito medyo malayo na sa gate . Dali dali kong kinuha ang cellphone ko upang tawagan siya. "Hello brooo !" sagot niya sa kabilang linya . "Matagal tagal na ring hindi ka nakatawag ha ,hindi ka na rin pumupunta sa bar ko , kamusta na?" "Medyo busy lang ako brod " . Kamusta saan ka ngayon ?" Sino kasama mo?" sunod sunod na tanong ko "Nandito ako sa lumang bahay , hindi ko alam ang exact address, kung tinatanong mo kung sino kasama ko , ay siyempre babae broo! " halakhak niya "Papalit palit ka nalang ng babae brod baka magkasakit ka niyan" tanging sagot ko parang binagsakan ako ng langit sa nalaman ko ngayon " Hindi na bro , sawa na ako magpalitpalit pa kumuha nalang ako ng isang babae , ginawa kong s*x slave ." halakhak nito "At alam mo napakaswerte ko talaga ako pa ang nakauna sa kanya at isa pa magaling naman siyang magpaligaya sa akin kaya nakontento nalang ako" .dagdag pa niya Nahampas ko ng napakalakas ang manebela ko .Mabilis ko ring pinatakbo ang aking sasakyan. " f**k !!!" "Shitttt !" Paulit ulit kong sigaw habang nagmamaneho pabalik sa aking bahay . Galit na galit ako kay Ethan dahil sa ginagawa niya sa babaeng mahal ko. Gusto ko siyang puntahan at bugbugin kanina mabuti nalang at nakontrol ko ang aking sarili .Walang kasalanan si Ethan .Si Leah ! Siya ang may gustong maging s*x slave ng bestfriend ko !! Kapalit ng pera?! Bakit niya nagawang ibigay ang sarili niya ? Kung pera ang kailangan niya puwede naman sya mangutang sa akin!!! Sana nagsabi ka Leah !!! Bakit noong hinalikan kita sinampal mo ako ?! Bakit? !! Nagpapahard to get ka lang pala.! Nagmamalinis sa harapan ko ? Hahaahah Nakakadiri kang babae ka !! Akala ko iba ka Nagkakamali pala ako !!! para na akong baliw na sumisigaw. Pagdating ko sa bahay ay binuhos ko lahat ng galit ko sa pag inom ng alak .Hindi ko matanggap na s*x slave ng bestfriend ko ang babaeng gusto ko sanang pakasalan. Si Ethan siguro ang lalaking tinutukoy ng matanda na kasama ni Leah sa kanyang kwarto noong pinuntahan ko siya para bisitahin sana.Pero kung siya bakit ang sabi niya kaibigan niya lang ang kasama niya .At bakit sa akin pa siya humiram ng pera para sa operasyon ng tatay niya. Maraming katanungan ang nasa isip ko na tanging si Leah lang ang makasagot. Sobrang nalasing ako kagabi kaya masakit ang ulo ko. Dali dali akong naligo at nagbihis . Naalala ko Lunes pala ngayon kaya marami akong gawain sa opisina .Marami ring meeting akong dapat puntahan .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD