-Patrick POV.
Pinareschedule ko ang meeting ko ngayon .Kailangan kong mapuntahan si Leah sa inuupahan niya, namiss ko na ang babaeng yon .Dalawang gabe na rin akong hindi nakatulog akala ko kaya ko na mawala siya sa paningin ko pero nagkamali pala ako .
Biglang may kumatok si Margarette siguro .
"Come in" .
Biglang bumukas ang pinto at pumasok na siya .
"Ano ba ang kailangan mo Margarette? kung hindi man yan importante huwag mo na aksayahin ang oras ko nagmamadali ako, may importante akong pupuntahan ngayon" sabi ko habang nagliligpit na ng mga gamit
"Good morning sir" isang pamilyar na boses ang narinig ko
Itinaas ko ang mukha ko para tingnan ang babaeng nasa harapan ko ngayon .
"Leah? "
"Sir nagmamaka awa ako sa inyo , alam kong wala na akong trabahong babalikan dito , pero sana maawa kayo sa akin " umiiyak siya
"Bakit anong nangyari sayo ? Bakit ka umiiyak"? nagtatakang tanong ko
"Naospital ang tatay ko kailangan ko ng two hundred thousand pesos ngayon pangdown ng operasyon niya ." paliwanag niya
Nabigla ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko
"Sir parang awa niyo kahit anong trabaho ibigay niyo sa akin.Kahit anong kapalit maisalba lang ang buhay ng tatay ko " magmamakaawa niya
"Tumayo ka dyan Leah " at pinilit ko siyang makatayo .
"Kumuha ako ng cheque. Ito five hundred thousand iwithdraw mo na sa banko at ipadala sa inyo .Siguro kasya na yan para sa buong operasyon ng tatay mo" .
Bigla siyang napayakap sa akin ng mahigpit .
"Maraming salamat sir .Pangako babayaran kita ."
Nagulat ako sa pagyakap niya sa akin .Napako ako sa tinatayuan ko .
"Sige puwede ka ng umalis at ipapadala mo pa yan .Bukas nalang natin pag usapan kung pano mo yan babayaran sa akin ."sabi ko
"Sige sir mauna na ako" paalam niya
"Wait leah! " tawag ko at dalidali ko siyang pinuntahan at yinakap ng mahigpit " ipangako mo na babalik ka dito bukas ng umaga" bulong ko
"Pangako sir hindi ko tatakbuhan ang utang k9 sayo " pangako nya
Kung alam mo lang Leah hindi yan ang gusto kong sabihin . Gusto ko magpromise ka na babalik ka hindi dahil takot ako na baka takbuhan mo ang perang pinahiram ko sayo kundi dahil ayaw kong mawala ka sa akin.Bilyonaryo ako Leah kaya napakaliit ng halaga ang nawala sa akin .bulong ko sa sarili ko .
"Ano yon Margarette? " tanong ko
"Sir may bisita kayo naghihintay sa labas , Emmanuel Rodriguez daw ang pangalan sir ."
"Papasukin mo yan pinsan ko ang mukong na yan" .matagal na rin kaming hindi nagkita ni Emman , ang pinsan kong pasaway .
" Kuya !! kamusta kana? masayang bati niya
"Teka teka tama nga sila kuya , magkamukha nga tayo para na tayong kambal , mas gwapo ngalang ako ng unti sayo" dagdag pa niya
"Tigilan mo na yang ambisyon mo Emman .Kailan ka pa dito ? tanong ko
" Last week pa kuya .Bibisitahin na sana kita last week . Nung sa harap na ako ng building mo , nakita ko ang aking kaibigan na nakahandusay sa kalsada kaya dinala ko nalang muna siya sa opsital.Pagkatapos non naging busy narin kaya ngayon na lang ulit ako nakabisita sayo. " paliwanag niya .Napakadaldal niya talaga isa lang ang tanong ko pero ang haba ng paliwanag .
"May asawa ka na ba kuya? "
"Wala ". tipid kong sagot
"Kuya ang tanda mo na !! Hanggang ngayon wala pa rin? Girlfriend meron? "
"Soon" tipid parin ang aking sagot.
"Bakit ikaw meron na ba? " tanong ko
"Soon din kuya .Liligawan ko pa lang pero maging girlfriend ko din yon .May umaayaw ba sa isang Rodriguez .? halakhak pa niya.