Tyronne's POV Habang nagmamaneho ako at nasa may madilim na akong parte ay may biglang tumigil na mga lalaki na nakamotor, marami sila. Napatakip ako sa mukha ko ng itapat nila sa mukha ko ang ilaw ng motor nila. Agad-agad akong lumabas ng sasakyan at kuno't noong tinignan sila. “Ano bang problema niyo?!” Di ko mapigilan ang mapasigaw sa sobrang inis. Nagmamadali ako dahil paniguradong hinihintay na nila ako dun. Nagsipaghalak-hakan naman sila at nakatingin pa sa isa't isa. “Ano daw problema natin HAHAHAHA” “Wala naman kaming problema sayo pero si Bossing may problema siya sayo HAHAHA” Bossing? Sinong bossing nila? Wala naman akong atraso sa bossing nila 'kuno'. “Sinong Bossing niyo?!” Pero imbis na sagutin nila ako ay mabilis akong sinuntok nung kaninang nagsasalita. Sa so

