Allison's POV Mabilis na nilibing si Dad dahil yun ang kagustuhan ko. Ayokong matagal siyang makitang ganun, wala naman magbabago, hindi naman siya mabubuhay. Lagi akong nakakulong sa kwarto ko. Umiiyak. Nagwawala. Mukha na akong baliw pero masisisi niyo ba ako? Nawala na ang lahat sa akin. Unti-unti ng nawawala. Hindi ko alam kung paano ko pa malalagpasan 'to, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Umiiyak lang ako ng umiiyak hanggang sa mapagod at makatulog. Laging pumupunta sila Venus dito at pilit akong pinapalabas pero ayoko, hindi ako sumasagot. Kahit si Tyronne nakikiusap na pero ayokong makita niya akong ganito. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko sila mapoprotektahan. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ni Dad. Dahil lang sa pagkainip ko

