Tyronne's POV Nagising ako ng may marinig akong malakas na tunog. Kinapa-kapa ko yung cellphone ko at tinignan yung screen pero wala namang tumatawag. Napalingon ako sa kabilang side ng kama at nakita ko si Blake na kinakapa ang cellphone niya. Yes, magkasama kami ngayon ni Blake sa iisang kwarto. Nasa bahay kasi kami ni Allison, remember? At yung bakulaw matutulog sana dito buti na lang inambaan siya ni Allison ng kutsilyo, ayun natakot mabilis pa sa daga kung umalis. “Hello, Dad.” Narinig ko ang pagsarado ng pinto. Lumabas pa talaga para lang makipag-usap kay Dad. Napalingon ako sa orasan. Ang aga pa naman 5:03am pa lang. Bakit napatawag ng ganong oras si Dad? Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto ni Allison. Messy hair pa ito at napupungay pa ang

