Venus's Pov
Nandito ako ngayon sa may tambayan namin. At siyempre nandito sila Tyronne, Dominic, Kent my loves, Christian, Miggy at ako
Simula ng umalis si Allison naging playboy si Tyronne, lagi siyang may dalang babae at iba-ibang babae.
Ngayon may kahalikang babae. Nalayo ang loob ko kay Tyronne simula nun, hindi kami masyadong nag-uusap, kung mag uusap man kami saglit lang.
Usap lang sila ng usap sa wala namang kwentang bagay. Ako naman ito umiinom ng juice para hindi mabored, hindi naman kasi ako maka relate sa pinag uusapan nila eh
“Nakaka op naman”Bulong ko
“Hoy hoy! Naoop daw si Venus”Sigaw ni Christian
“Makisabay ka na lang Venus”Tatawa-tawang sabi ni Tyronne
“Tama si Babe, Venus. Makisabay ka na lang sa amin”Sabi nung babaeng parang tangang nakapulupot kay Tyronne
“Close ba tayo? ”Pag tataray ko dito
“May sinabi ba akong close tayo? ”Pag tataray nito sa akin
“Tsk wag kang masyadong matapang dahil bukas o baka mamaya hindi ka na parte sa amin at iiyak-iyak ka na lang dahil iniwan ka ni Tyronne. ”Nakangisi kong sabi dito agad namang nag usok ang tenga at ilong nito.
“Y-yun ang akala mo p-pero alam kong m-mahal talaga ako ni Tyronne”Napangisi ako ng hindi makatingin sa akin ng diretso yung babae habang sinasabi ang mga iyon.
“Talaga lang, huh? Tignan natin bukas”Tinignan ko si Tyronne at parang wala itong pakielam.
“Tsk alam kong seryoso na sa akin si Tyronne, diba Babe? ”Sabi nito sabay hawak sa baba ni Tyronne
“Ano yun? ”Tanong ni Tyronne
“Pfft”Hindi ko na napigilan ang tawa ko at napahalakhak na ako dun. Inirapan naman akobnung babae at halatang luging-lugi ito.
“Ano ka ngayon? ”Pang-aasar ko dito
“Tyronne diba seryoso ka sa akin? ”Medyo nagagalit na ang tono nito
Hindi siya pinansin ni Tyronne at itinanggal nito ang nakapulupot na kamay nung babae sa leeg nito kaya lalong nainis yung babae.
“Mainit Chelsey tapos kapit ka pa ng kapit ”Sabi nito at pinunasan ang pawis sa may leeg nito
“Diba mahal mo ako Tyronne? Please sagutin mo ako”Pag mamakaawa ni Chelsey ba yun? Agad namang tumahimik.
Hinalikan ni Chelsey si Tyronne bago pa ito sumagot.
Biglang tumunog yung cellphone ko at agad na nanlaki ang mata ko ng tumatawag si Allison, simula kasi ng umalis ito ay miski tawag ay hind nito ginawa at kung tatawag naman kami hindi niya sinasagot.
“Wahhhh Allison bakit ngayon ka lang tumawag? ”Irit ko pag kasagot ko pa lang nung tawag
Munti namang matumba yung babae na kahalikan ni Tyronne ng itinulak ito ni Tyronne at napatingin sa akin.
Ni-loud speaker ko yung cellphone ko para marinig din nila yung sasabihin ni Allison
“[Urgh Venus! Can you please lower your voice?]”Iritang sabi nito sa akin
“Opps sorry hahaha bakit kasi hindi ka tumatawag at hindi mo sinasagot yung tawag namin? Tampo na tuloy ako sayo”Sabi ko at nag pout pa at agad namang nag-si pag react yung mga lalaki
“Hindi bagay Venus”Pang-aasar sa akin ni Kent
“Para kang aso”Sabi naman ni Dominic
“Hahaha wag mo ng ulitin yun”Sabi namn ni Christian
“Ewan ko sa inyo”Inis na sabi ko sa kanila sabay irap
“Joke lang ito namn”Pag-amo sa akin ni Kent sabay kiss sa akin sa cheeks enebe kenekeleg eke
“[Sunduin niyo ako sa airport]”Agad na nag twinkle yung mata ko
Totoo ba to? Nandito na sa Pilipinas si Allison?
“Huwhhhhaatt? Nandito ka na? ”Gulat na tanong ko
“Bakit ayaw niyong nandito na kami ulit? ”Napakunot ang noo ko. Kami? Bakit may kami? May kasama ba siya?
“Siyempre gusto nman Allison”Agad na sagot ni Christian
Mukha hindi nila napansin yung sinabi ni Allison na 'kami' pero si Tyronne napansin din ata.
“Teka teka! Saan kayo pupunta? ”Tanong nung babae
Lumapit ako dun sa babae at nilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Chelsey
“Pupuntahan namin yung taong tunay na mahal ni Tyronne”Nakangisi kong sabi
“Wala kang lugar dun kaya kung ako sayo aalis na lang ako”Sabi ko at nag simula ng mag lakad papunta sa kanila
Agad akong kumapit sa may braso ni Kent.
“Excited na akong makita ulit si Allison”Sabi ko sabay sakay sa may van na dala namin, laging ito ang dala namin.
“Ano na kayang itsura ni Allison? ”Tanong ni Dominic sa amin
“Siguradong maiinlove na naman lalo yang si Tyronne”Sabi ni Kent at sabay sabay silang nag halakhakan pero si Tyronne ay seryoso lang na nakatingin sa kanila.
“hoy kayo! Nakita niyo ng seryoso ngayon si Tyronne”Pag-awat ko sa kanila mukhang hindi nila napansin ang pagiging tahimik ni Tyronne
“Naku! Kinakabahan lang yan sa muli nilang pag kikita. Ikaw naman Venus ganyan talaga yang si Tyronne pag dating kay Allison nagiging seryoso”Sabi ni Kent sa akin
“Pag dating ni Allison sasalubungin ko kaagad yun ng yakap para matikman ko ulit ang kanyang masakit na suntok”Sabi ni Christian sabay halakhak
Napatingin ako kay Tyronne at napansin kong napakuyom ang kanyang kamao. Mukhang akala pa nila ay nag bibiro pa si Tyronne at nag loloko hindi nila napansin na seryoso na talaga ito.
“Tumigil na muna kayo, pwede? ”Pag-awat ko muli sa kanila
“Bakit ba ang kj mo ngayon, Venus? ”Tanong ni Kent
“Hindi naman sa kj ako pero... Naririndi kasi ako”Ang pangit ng palusot ko bwisit
“Pero bakit sa bunganga mo hindi ka naririndi? ”Inirapan ko na lang sila
Allison's Pov
Pag baba ko sa may private airplane ay agad kaming sinalubong ng mga reporters. Naka shades ako, maikling short at crop top na red at high heels.
Hinaharangan naman kami ng mga guard ko. Namiss ko ang Pilipinas. Hinahabol pa pala kami ng mga reporters para may masabi sa media. Tsk.
Agad akong tumawag kay Venus at kung ano-anong nakakairita ang sinasabi niya. Wala pa ring pag babago.
Mahigit 2 taon akong nawala pero wala pa rin siyabg pag babago. Ako ang nag hahandle ng kompanya ni Dad dahil may sakit na ito.
Habang nasa ibang bansa ako tinutulungan akong mag practice ni Austin at sa loob ng 10 taon siya lang ang kasama ko. Close na nga sila ni Dad eh.
Nag text ako kay Venus na wag na akong sundiin mag kita na lang kami sa Starbucks.
“I'm back, the old me. Nerd no more, pure demon”Sabi ko sa sarili ko